Bagong tagumpay ng Pelikulang Pilipino: ‘Hello, Love, Again,' pasok sa Top 10 Movies sa US

Bagong tagumpay ng Pelikulang Pilipino: ‘Hello, Love, Again,' pasok sa Top 10 Movies sa US

- Ang pelikulang "Hello, Love, Again" ay pumasok sa Top 10 movies sa US at nagtamo ng ika-8 puwesto

- Kumita ito ng $2.4 milyon o ₱140 milyon sa unang linggo ng pagpapalabas nito sa US at Canada

- Sa Pilipinas, nakapagtala ang pelikula ng ₱245 milyon sa unang tatlong araw at ₱85 milyon sa opening day

- Ang kwento nina Joy at Ethan ay patuloy na umaani ng suporta mula sa mga manonood sa buong mundo

Patuloy na tinatamasa ng pelikulang ‘Hello, Love, Again’ ang tagumpay, ngayon ay sa international scene, matapos nitong makapasok sa ika-8 puwesto ng Top 10 movies sa US sa unang linggo ng pagpapalabas nito.

Bagong tagumpay ng Pelikulang Pilipino: ‘Hello, Love, Again,' pasok sa Top 10 Movies sa US (ABS-CBN News)
Bagong tagumpay ng Pelikulang Pilipino: ‘Hello, Love, Again,' pasok sa Top 10 Movies sa US (ABS-CBN News)
Source: Instagram

Ayon sa ulat ng Deadline, kumita ang pelikula ng $2.4 milyon o humigit-kumulang ₱140 milyon sa unang linggo ng theatrical run nito sa US. Ito ay ipinamamahagi ng Abramorama sa 248 na lokasyon sa US at Canada.

Ang pelikula, na isang sequel sa 2019 blockbuster hit na ‘Hello, Love, Goodbye,’ ay muling sumusunod sa kuwento nina Joy (Kathryn Bernardo) at Ethan (Alden Richards), sa pagkakataong ito ay sa Canada naman nagaganap ang kanilang love story.

Read also

Celine Lim, nagtapos ng Dual Master’s Degree sa Australia

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi rin nagpahuli ang tagumpay nito sa Pilipinas. Ayon sa ABS-CBN News, umabot sa ₱245 milyon ang kinita ng pelikula sa unang tatlong araw nito sa mga sinehan. Naitala rin nito ang kasaysayan bilang lokal na pelikula na may pinakamataas na opening gross matapos kumita ng higit sa ₱85 milyon sa unang araw pa lamang ng pagpapalabas.

Sa gitna ng tagumpay, nagpasalamat si Kathryn Bernardo sa mga sumuporta sa proyekto. Sa isang post sa social media, sinabi niyang,

"Our hearts are overflowing with so much joy. This is more than what we’ve prayed and wished for. Maraming salamat po."

Aniya pa, “To our fellow Filipinos, thank you for giving us the chance to continue sharing with you the story of Joy and Ethan. Hello, Love, Again is now showing in cinemas worldwide.”

Sa kasalukuyan, ipinapalabas ang pelikula sa 1,000 sinehan sa buong mundo.

Sa premiere night, ibinahagi nina Kathryn at Alden ang kanilang pananabik para sa pelikula. Ayon kay Alden,

Read also

Chavit Singson, kinaaliwan sa kanyang hirit tungkol sa pagbili sa Miss Universe

"I hope you guys will enjoy the film as much as you guys are going to be falling in love with the characters. I hope that after the film po ay ma-inspire po tayo, mabuhay, and do good things to people around us."

Dagdag naman ni Kathryn, "Ang pangako lang namin sa inyo sa pelikula na ito, puso ang ibibigay namin. I hope after watching this film, iyon yung mararamdaman niyo—hindi lang kay Joy and Ethan kundi sa buong pelikula."

Si Kathryn Bernardo ay isa sa mga sikat na aktres sa Pilipinas na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang kanilang tambalan bilang "KathNiel."

Samantala, minsan nang nabanggit ni Ogie Diaz ang nalaman umano niya sa kanyang source na tuloy na ang part 2 ng Hello Love Goodbye na ang lokasyon naman ay sa Canada. Kalaunan ay kinumpirma na ito at may title na "Hello Love Again." Katunayan, marami na ang tila hindi na makapaghintay at excited na sa showing ng naturang pelikula na ipalalabas sa mga sinehan sa Nobyembre 13.

Read also

Super Typhoon Pepito, Nagdulot ng Malawakang Pinsala sa Pilipinas

Matatandaang ang Hello Love Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ay minsan nang naging highest grossing film sa bansa bago pa man ito masungkit ng 'Rewind' nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Naging pambato sa Metro Manila Film Festival noong 2023.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate