Liam Payne ng One Direction, pumanaw na sa edad na 31

Liam Payne ng One Direction, pumanaw na sa edad na 31

- Namatay si Liam Payne matapos mahulog mula sa ikatlong palapag ng isang hotel sa Buenos Aires

-Ang insidente ay naganap sa isang hotel sa Costa Rica Street sa Palermo, ayon sa pulisya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kilala si Payne bilang dating miyembro ng boyband na One Direction na sumikat noong 2010

May anak si Payne na isinilang noong 2017, na kanyang anak sa dating Girls Aloud member na si Cheryl Cole

Pumanaw ang British singer na si Liam Payne, dating miyembro ng sikat na boyband na One Direction, matapos mahulog mula sa ikatlong palapag ng isang hotel sa Buenos Aires nitong Miyerkules, ayon sa pulisya. Siya ay 31 taong gulang.

Liam Payne ng One Direction, pumanaw na sa edad na 31
Liam Payne ng One Direction, pumanaw na sa edad na 31(@liampayne, @onedirection | Instagram)
Source: Instagram

Sa ulat ng ayon sa ulat ng CNN, sinabi ng pulisya ng Buenos Aires na ang mga tauhan mula sa 14B Police Station ay nagtungo sa hotel noong Miyerkules ng hapon matapos makatanggap ng tawag sa 911 tungkol sa isang agresibong lalaki na posibleng nasa ilalim ng impluwensya ng droga o alkohol. Hindi tinukoy sa pahayag ng pulisya na si Payne ang naturang tao.

Read also

Judy Ann Santos, hindi inasahan ang ginawa ng anak na si Luna: "Akala ko safe ako"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa mga video na ipinost sa social media mula sa palabas, nakita si Payne sa Argentina noong Oktubre 2 para manood ng konsiyerto ng dati niyang ka-banda na si Niall Horan.

Agad na nagtipon ang mga tagahanga at mga nakasaksi sa paligid ng hotel sa kabisera ng Argentina, habang patuloy ang trabaho ng mga medical team sa lugar. Ayon sa pahayag ng pulisya, "Liam James Payne, composer and guitarist, former member of the band One Direction, died today after falling from the third floor of a hotel."

Inilarawan ni Alberto Crescenti, pinuno ng SAME emergency medical service ng lungsod, na ang mang-aawit ay nagtamo ng "very serious injuries incompatible with life as a result of his fall."

Agad tumugon ang emergency personnel sa Casa Sur hotel sa Palermo noong ika-5:04 ng hapon matapos makatanggap ng tawag sa 911 at dumating sa loob ng pitong minuto. Matapos ang inspeksyon, kinumpirma nila ang pagkamatay ni Payne.

Read also

Mister, hinampas dumbbell ng misis habang nagpapahinga; patay

Natamo umano ni Payne ang pagkapinsala sa base ng kanyang bungo mula sa pagkahulog na tinatayang nasa 13 hanggang 14 metro ang taas, ayon kay Crescenti.

Ikinalungkot ng mga tagahanga ni Payne ang balita:

I’ve been a directioner since 2012 and Liam Payne’s death is so heartbreaking
RIP Liam Payne just reminds you that you never know which day is your last, life is precious
Idk it’s just so shocking hearing that Liam Payne passed away. Especially, the way he did. Almost don’t seem real.

Nabuo ang One Direction noong 2010 nang sumali ang mga kabataang sina Payne, Niall Horan, Harry Styles, Louis Tomlinson, at Zayn Malik sa palabas na "The X Factor" sa UK. Noong 2016, inanunsyo ng grupo ang kanilang indefinite hiatus, ngunit hindi tuluyang paghiwalay.

Ayon sa Billboard, dumalo si Payne sa isang konsiyerto ng dating ka-banda na si Horan sa Buenos Aires noong Oktubre 2.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate