Michelle Madrigal, ibinahagi ang tinuturing niyang 'answered prayer'

Michelle Madrigal, ibinahagi ang tinuturing niyang 'answered prayer'

- Ibinahagi ni Michelle Madrigal ang kanyang pasasalamat sa tinuturing niyang 'answered prayer' sa social media

- Pinuri niya ang bagong asawa na isang mabuting stepdad sa kanyang anak na si Anika

- Ayon kay Michelle, biyaya ang magkaroon ng tahanan at pamilyang puno ng pagmamahal at malasakit

- Kasama sa post ni Michelle ang isang video clip ng mga bonding moments ng kanyang pamilya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ibinahagi ng aktres na si Michelle Madrigal ang kanyang saya at pasasalamat sa tinuturing niyang "answered prayer." Sa kanyang social media post, nagbahagi si Michelle ng mensahe tungkol sa pagiging buo ng kanyang pamilya, sa kabila ng mga pagsubok na kanyang hinarap sa nakalipas.

Michelle Madrigal, ibinahagi ang tinuturing niyang 'answered prayer'
Michelle Madrigal, ibinahagi ang tinuturing niyang 'answered prayer'
Source: Instagram

"God’s timing is truly perfect. I’ve always dreamed of having a family, and while my path hasn’t been a straight one, I know He always provides. I may not be exactly where I thought I’d be in life, but I’ve been blessed in ways that matter most. A safe, loving home. Health. A man who not only loves me, but who also fears God and has become an incredible stepdad to my daughter," ani Michelle.

Read also

Kampo ni Heart Evangelista, naglabas ng 'resibo' tungkol sa pag-invite kay Heart

Kalakip ng kanyang mensahe ay isang video clip na naglalaman ng mga sweet moments ng kanyang pamilya, kabilang na ang bonding ng kanyang bagong asawa at anak niyang si Anika. Ipinakita sa video ang masayang samahan ng tatlo, lalo na ang relasyon ng kanyang asawa kay Anika, na tinuturing niyang isang malaking biyaya.

Para kay Michelle, ang pagkakaroon ng isang pamilya at tahanan na puno ng pagmamahal at pagmamalasakit ang tunay na kayamanan sa buhay. "The true wealth in life is found in these small, everyday blessings," dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maraming netizens ang nagpaabot ng pagbati kay Michelle at ipinahayag ang kanilang suporta at saya para sa kanyang bagong yugto ng buhay.

Si Michelle Madrigal Gaspar o mas kilala sa kanyang screen name na Michelle Madrigal ay isang Pinay actress na nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng reality talent search na Star Circle Quest.

Read also

EJ Obiena, nagsalita kaugnay sa mga gawa-gawang kwento tungkol sa kanila ni Carlos Yulo

Matatandaan inanunsyo ni Michelle ang kanyang planong pagpapakasal sa pamamagitan ng Instagram story. Sinabi niyang pinanatili niyang pribado ang kanyang buhay pag-ibig simula nang matapos ang kanyang huling relasyon. Ayon kay Michelle, ang pagdesisyon na manatiling tahimik tungkol dito ang pinakamainam na nagawa niya. Ipinahayag din niya ang kasiyahan sa pagkakatagpo ng lalaking itinadhana sa kanya ng Diyos.

Samantala, sinorpresa ni Michelle ang kanyang noo'y fiancé bago ang kanilang kasal sa pamamagitan ng pagpapagawa ng veneers. Matagal nang pinapangarap ng kanyang fiancé na magkaroon ng veneers kaya nagdesisyon si Michelle na regaluhan siya nito. Ayon kay Michelle, ito ay para gawing mas espesyal ang kanilang araw at nagpapasalamat siya sa aniya'y pinakamahusay na cosmetic dentist sa Austin. Matatandaang kinompirma ni Michelle na nakatakda siyang ikasal sa kanyang fiancé na kapanalig niya at isa ring Christian.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate