Ogie Diaz, sa patuloy na kumakalat ng fake news: "I-report niyo na!"

Ogie Diaz, sa patuloy na kumakalat ng fake news: "I-report niyo na!"

- Muling nagbigay paalala si Ogie Diaz sa publiko tungkol sa mga fake news

- Ito ay matapos na kumalat at nanapabalitang wala na sa FPJ Batang Quiapo si Barbie Imperial

- Pinabulaanan naman ito ng ABS-CBN ang ng Batang Quiapo na naglabas ng opisyal na pahayag

- Pinangalanan din ni Ogie ang mga kilalang news sites na mapagkakatiwalaan sa paghahatid ng mga totoong balita

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagpaalala muli si Ogie Diaz patungkol sa patuloy na lumalaganap na fake news lalong-lalo na sa mundo ng showbiz.

Ogie Diaz, sa patuloy na kumakalat ng fake news: "I-report niyo na!"
Ogie Diaz, sa patuloy na kumakalat ng fake news: "I-report niyo na!" (Ogie Diaz)
Source: Facebook

Ito ay matapos na mapabalitang nawala na raw agad ang karakter ni Barbie Imperial sa FPJ Batang Quiapo.

Kumalat ang naturang fake news matapos na mamataang kasama umano ni Richard Gutierrez si Barbie sa ibang bansa kung saan nag-shoot ito umano ng ilang scenes para sa seryeng Incognito.

Read also

44-Anyos na babae brutal na pinatay sa Sara, Iloilo; stepdaughter, ginahasa ng suspek

Dahil dito, inakala ng marami na kasama na rin si Barbie sa cast ng bagong serye at isa si Ogie Diaz sa umalma sa fake news na ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Unang-una, fake news 'yan. Kasi nga, may tinapos na istorya... Pero bumalik na rin siya. Kasi nag-post si Anjo Yllana ng picture with Barbie na kasama rin si Anjo Yllana doon sa Batang Quiapo."

At kaya umano nakasama si Barbie kay Richard sa shoot ni Richard sa ibang bansa ay dahil wala pang taping schedule ang actress sa Batang Quiapo.

Kaya naman, pinaalalahanan ni Ogie Ang publiko na agad i-report ang mga kahina-hinalang pahina na nagpapalaganap nito at huwag basta maniwala hangga't hindi pa naibabalita sa kilala at malalalaking news sites.

"O kaya i-report niyo. 'Pag alam niyong fake quote card or fake news. I-report niyo na..."

Read also

Barbie Imperial, umalma sa page na puro negatibo at kasinungalingan ang pinopost

"At saka yung laging sinasabi ni nanay 'pag hindi pa lumalabas sa mga major news online," pag-segunda ni Mama Loi at pinangalanan naman ni Ogie ang mga mapagkakatiwalaang news sites na "Sa ABS-CBN, sa GMA, sa Manila Bulletin, sa Inquirer, sa Rappler, sa PEP, sa KAMI, ayan... 'wag kayong basta basta maniniwala... At syempre sa amin dito kaya nga may mga 'hintayin natin ang Showbiz Update kung ilalabas nila 'yan or kung patototohanan nila 'yan or idi-deny nila 'yan. Saka lang kami maniniwala pagka-lumabas sa Ogie Diaz Showbiz Update.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Sa naging panayam sa kanya ni Aiko Melendez, naglabas ng saloobin si Ogie patungkol sa mga personalidad na noo'y nakiusap sa kanya na huwag na lamang ilabas ang kanilang istorya. Ngunit malalaman niyang sa iba pala ito magpapa-interview at magbibigay detalye ng mga nangyare sa kanila.

Read also

‘Diwata,’ naghain ng CONA para sa Vendors Partylist

Samantala, sa isang episode naman ng kanyang Ogie Diaz Inspires channel, nagkaroon ng pagkakataong makausap niya si James Reid na tulad niya'y naging manager din ni Liza Soberano. Doon nilinaw niya na walang naging offer kay Liza para sa pelikulang Spiderman at kung sakaling nagkaroon man, hindi naman siya hahadlang dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: