Dating nasa Batang Quiapo, napagtatawanan sa pagiging longganisa vendor

Dating nasa Batang Quiapo, napagtatawanan sa pagiging longganisa vendor

- Naikwento ni Raul Dillo ang kanyang karanasan sa paglalako ng longganisa

- Mula nang mawala ang karakter niya sa Batang Quiapo, bumalik na siya sa paglalako

- Matatandaang nag-viral kamakailan si Raul sa paglalako niya sa gitna ng kalsada

- Aniya, lahat ay kanyang gagawin maitaguyod lamang ang kanyang pamilya lalong-lalo na para sa kanyang dalawang mga anak

Isa sa naikwento ni Raul Dillo, ang tinaguriang 'Pinoy Frankenstein' sa pangungumusta sa kanya ni Ogie Diaz ay ang tungkol sa kanyang karansan sa pagiging isang longganisa vendor.

Dating nasa Batang Quiapo, napagtatawanan sa pagiging longganisa vendor
Dating nasa Batang Quiapo, napagtatawanan sa pagiging longganisa vendor (longga)
Source: Facebook

Aniya sa kanyang paglalako, may ilang tao talaga na nagagawa siyang pagtawanan.

"Minsan nakaka-encounter ako na pinagtatawanan ako. O! dati kang artista bakit ngayon nagtitinda ka nalang?"

Mula kasi nang mawala ang kanyang karakter sa Batang Quiapo na siyang naging huling proyekto niya, balik pagtitinda muli si Raul.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Boss Toyo, may pasimpleng hirit tungkol sa pagtakbo sa Pilipinas

"Sabi ko wala naman po akong nakikitang masama sa ginagawa ko. Wala naman po akong ibang hinahangad kundi maitawid lang ang pamilya ko," ang nakakaantig pusong tugon ni Raul.

Sa naturang panayam din naikwento ni Raul ang umano'y mga nararamdaman na niya sa kanyang pangangatanan ngayonngayon. Gayunpaman, naisasantabi raw

"Hangga't nakakatayo pa ako. Hangga't kaya pang tumayo ng mga tuhod ko, kaya ko pang humakbang, Pipilitin ko pa rin na itaguyod 'yung pamilya ko. Kasi wala po silang ibang maasahan kundi ako lang."

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

Isa sa mga huling naging proyekto ni Raul ay ang teleseryeng “FPJ's Batang Quiapo,” kung saan ginampanan niya ang papel bilang isa sa mga armadong tauhan ni Lorna Tolentino. Ayon kay Raul, si Coco Martin mismo ang tumawag sa kanya para maging bahagi ng nasabing serye.

Matatandaang madalas na mapanood si Raul noong dekada '90 kanyang pagganap sa ilang horror at comedy movies. Gayunpaman, bihira na rin siyang makasama sa ilang mga proyekto ngayon kaya naman kinailangan niyang maghanap ng ibang mga pagkakakitaan.

Read also

Pinoy Frankenstein na si Raul Dillo, naikwento ang tungkol sa kanyang karamdaman

Maging si Bernadette Sembrano ay nagawang bisitahin si Raul upang ito ay makumusta. Bukod dito, hinandugan niya rin tricycle na labis na ikinatuwa ni Raul. Malaking bagay daw ang pagkakaroon niya nito lalo na sa pagsundo at hatid ng kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica