Coco Martin, kinaaliwan sa kwelang pag-promote nya ng kanyang TikTok account

Coco Martin, kinaaliwan sa kwelang pag-promote nya ng kanyang TikTok account

- Opisyal nang sumali si Coco Martin sa TikTok at agad na nakalikom ng higit 68,000 followers sa loob ng anim na oras at mahigit 200,000 na sa kasalukuyan

- Inanunsyo ni Martin ang kanyang desisyon sa kanyang verified account na @cocomartinofficial

- Ang kanyang unang video ay umani ng mahigit 6.6 Million views at higit 400,000 likes

- Bago ang TikTok, mayroon nang mahigit 486,000 followers ang kanyang Facebook page at 396,000 followers sa Instagram

Ang Kapamilya actor na si Coco Martin ay opisyal nang sumali sa TikTok, kung saan agad siyang nakalikom ng mahigit 200, 000 followers sa loob lamang ng labingtatlong oras. Inanunsyo ni Martin ang kanyang pagpasok sa platform sa verified account na @cocomartinofficial nitong Lunes ng umaga, kasabay ng pag-post ng isang video na nagpapahayag ng kanyang desisyon.

Coco Martin, kinaaliwan sa kwelang pag-promote nya ng kanyang TikTok account
Coco Martin, kinaaliwan sa kwelang pag-promote nya ng kanyang TikTok account (@cocomartinofficial | TikTOk)
Source: TikTok

“Matagal ko pong pinag-isipan ito at ngayon desidido na ako. Gagawin ko ito para sa kinabukasan ko, sa kinabukasan ng aking pamilya at sa kinabukasan ng lahat ng mga Pilipino,” ani Martin sa kanyang video. Dagdag pa niya, maraming tao ang nagkumbinsi sa kanya na sumali sa TikTok, at siya mismo ang nag-anunsyo na opisyal na siyang nasa platform. “Kaya ano pa ang hinihintay niyo, i-follow niyo na ako,” sabi pa ng aktor.

Read also

Doc Willie Ong, tatakbo bilang Senador sa kabila ng laban sa kanser

Sa kasalukuyan, ang unang video ni Martin ay nakapag-ani na ng mahigit 6.6 million views at higit 400, 000 likes. Bago ang kanyang TikTok debut, binuksan din ni Martin ang kanyang opisyal na Facebook page na Real Coco Martin noong nakaraang taon, na ngayon ay mayroong mahigit 486,000 followers. Ang kanyang Instagram account na cocomartin_ph naman ay mayroon nang mahigit 396,000 followers.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Coco Martin ay isang kilalang aktor at director sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga teleserye at pelikula, lalo na sa kanyang mga proyekto sa ABS-CBN. Ang kanyang pinaka-tanyag na papel ay bilang si "Cardo Dalisay" sa hit action-drama series na "FPJ's Ang Probinsyano," na umere mula 2015 hanggang 2022.

Hindi mapagkaila ni Celia Rodriguez ang labis na paghanga niya sa kabutihan ng aktor na si Coco Martin. Kahanga-hanga ang pagtulong ng Batang Quiapo actor kahit hindi niya ito personal na kilala. Marami na rin umanong narinig at nalaman si Celia na natulungan ni Coco. Wala raw siyang ibang nasabi sa aktor kundi alagaan ang sarili gayung kailangan pa siya ng industriya.

Sa isang video na ibinahagi ng ABS-CBN News, kapwa nagmukhang nalilito sina Carlos Yulo at Coco kung sino ang dapat maging fanboy ng isa't isa. Ngunit naunahan ng Olympic twin-gold medalist ang aktor-director nang hilingin niyangmakapagpa-picture dito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate