Xian Gaza, nagbahagi ng opinyon kaugnay sa isyu ng 133,000 pesos dinner ng anak ni Kuya Kim

Xian Gaza, nagbahagi ng opinyon kaugnay sa isyu ng 133,000 pesos dinner ng anak ni Kuya Kim

- Ipinagtanggol ni Xian Gaza ang anak ni Kuya Kim Atienza matapos ma-bash dahil sa Php133,000 dinner

- Sinabi ni Gaza na walang ginawang masama ang pamilya ni Kuya Kim at ang kanilang yaman ay nakuha sa malinis na paraan

- Binatikos ni Gaza ang mga netizens na nagbabash dahil lamang sa inggit at hirap sa buhay

- Hinimok ni Gaza ang mga tao na baguhin ang kanilang mentalidad na parating nakikita ang mayayaman bilang kontrabida

Naging usap-usapan online ang mamahaling dinner ng anak ni Kuya Kim Atienza na nagkakahalaga ng Php133,000. Isa sa mga nagbigay ng matapang na opinyon kaugnay sa isyung ito ay ang social media personality na si Xian Gaza.

Xian Gaza, nagbahagi ng opinyon kaugnay sa isyu ng 133,000 pesos dinner ng anak ni Kuya Kim
Xian Gaza, nagbahagi ng opinyon kaugnay sa isyu ng 133,000 pesos dinner ng anak ni Kuya Kim
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook post, ipinagtanggol ni Gaza ang pamilya ni Kuya Kim at tinuligsa ang mga netizens na bumabatikos sa kanila.

Ayon kay Gaza, hindi dapat kinukuwestiyon ang perang ginastos ng anak ni Kuya Kim dahil ang kanilang yaman ay nakuha sa malinis na paraan mula sa entertainment industry, hindi tulad ng kanyang kinabibilangan na galing sa mga iligal na negosyo.

Read also

Robi Domingo, emosyonal na binahagi ang kanyang hiling sa kaarawan

"Bakit niyo bina-bash? Kasi nasaktan kayo dahil yung sahod niyo ng kalahating taon ay isang kainan lang nila? Kasalanan ba nila na hirap na hirap kayo sa buhay?" ani Gaza. Ipinunto rin niya na walang ginawang masama ang anak ni Kuya Kim sa simpleng pagpapakita ng kanilang marangyang lifestyle, at ang mga netizens lamang ang hindi makapagpigil na magpahayag ng inggit at sama ng loob.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bilang pagtatapos, hinimok ni Gaza ang mga tao na baguhin ang kanilang mentalidad na parating nakikita ang mga mayayaman bilang kontrabida. Ayon sa kanya, ang ganitong pag-iisip ay nagiging hadlang sa kanilang pag-unlad sa buhay.

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Read also

Xian Gaza, binahagi ang picture nina Maris Racal at Anthony Jennings

Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya.

Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate