Dating PBB housemate, Chinese translator sa Senate hearing ukol sa POGO
- Chinese translator naman ang ganap ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Carol Batay
- Matatandaang naging bahagi si Carol ng PBB Double Up noong 2009
- Isa siya sa mga housemates na nakasama sa batch ng mag-asawang sina Melai Cantiveros at Jason Francisco
- Sa kasalukuyan, patuloy na namamayagpag ang Pinoy Big Brother kung saan ang mga host at pawang dati nilang mga housemates
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ibinahagi ng ex-Pinoy Big Brother na si Carol Batay na naimbitahan siya umano para maging Chinese translator sa patuloy na pandinig ng kaso ng POGO sa senado.
Ngayong Setyembre 24, ang nakababatang kapatid ni Michael Yang na si Tony Yang ang humarap sa senado. Kinakailangan daw nito ng interpreter gayung hindi ito marunong tagalog o ingles.
Dahil dito, ibinahagi ni Carol ang kanyang larawng kuha sa nasabing pagdinig.
Matatandaang si Carol ay bahagi ng Pinoy Big Brother Double up 2009 kung saan kabilang ang ngayong real-life couple na sina Jason Francisco at Melai Cantiveros. Siya ay tinaguriang "Conservative Pharmacist ng Tondo"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa ngayon, marami pa rin ang sumusubaybay at tumatangkilik sa PBB na siyang pinagmulan ng ilang mga kilalang artista at personalidad sa bansa.
Ang Pinoy Big Brother ay isa sa popular na reality show ng ABS-CBN na nagsimula noong 2005. 13 na mga housemates ang nanatili sa bahay ni kuya subalit apat lamang ang natira upang masungkit ang pagiging isang big winner. Si Nene Tamayo ang kauna-unahang big winner ng PBB.
Kamakailan, hinangaan ang PBB ex-housemate na si John Adajar na malaki umano ang naitulong upang madakip at masuplong ang umano'y isang snatcher sa San Pablo Laguna. Kwento ni John, nagkakape lamang siya nang makita ang komosyon. Hindi ito nagdalawang-isip na tumulong kahit aminado itong delikado ang kanyang ginawa na ito. MMA fighter si John na isa umanong dahilan kung bakit ganoon na lamang lakas ng loob niya para supilin ang suspek.
Si John Adajar na kabilang sa mga housemate ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Celebrity edition. Nakasama niya sina Kyle Echarri, TJ Valderrama, Eian Rances, Jordan Andrews, KD Estrada, Alexa Ilacad, Brenda Mage, Daisy "Madam Inutz" Lopez, Samantha Bernardo. Sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion ang tinaguriang Celebrity Top 2.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh