Amy Nobleza, nagtapos sa kolehiyo bilang Magna Cùm Laude; pinasalamatan si Vice Ganda
- Nagtapos bilang magna cùm laude si Amy Nobleza sa kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management sa Lyceum of the Philippines University Manila
- Pinangako ni Vice Ganda noong 2019 na tutulungan si Amy na makapagtapos ng kolehiyo matapos sumali si Amy sa "Tawag ng Tanghalan"
- Ipinahayag ni Amy ang kanyang taos-pusong pasasalamat kay Vice Ganda sa kanyang tagumpay sa kolehiyo
- Binanggit din ni Amy ang suporta ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga propesor na naging bahagi ng kanyang tagumpay
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Forever grateful kay Unkabogable Star Vice Ganda ang dating child star na si Amy Nobleza, matapos siyang magtapos bilang magna cùm laude sa kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management sa Lyceum of the Philippines University Manila.
Matatandaang noong 2019, nang sumali si Amy sa "Tawag ng Tanghalan" sa "It’s Showtime," nangako si Vice Ganda na tutulungan siya sa kanyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo. Ngayon, bilang bahagi ng Class of 2024, natupad ni Amy ang kanyang pangarap sa tulong ng komedyante.
Sa isang post sa social media, ipinahayag ni Amy ang kanyang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya, lalo na kay Vice Ganda. “I’ll forever be grateful to you,” ani Amy, na nagbigay-pugay sa kabutihang-loob ng TV host. Aniya, hindi niya makakamit ang tagumpay na ito kung wala ang suporta ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at lalo na ni Vice Ganda.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dagdag pa ni Amy, ito ay simula pa lamang ng kanyang paglalakbay at masaya siya sa hinaharap na naghihintay para sa kanya.
Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.
Hindi nag-atubili si Vice Ganda na magtanggal ng kanyang wig upang ipadama sa kalahok sa Expecially for You na si April. Ani Vice, hindi na siya taong affected sa mga taong napapangitan sa kanya pag wala syang wig.
Binatikos ng netizens ang Cebu-based LGBTQIA+ writer dahil sa pagagalit sa food server na tumawag sa kanya ng "Sir". Ikinumpara ng netizens ang insidente sa karanasan ni Vice Ganda na tinawag ding "Sir" pero tinanggap lang niya ito nang walang galit.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh