Sharon Cuneta, nag-react sa paglagay ng picture niya sa mga handaan

Sharon Cuneta, nag-react sa paglagay ng picture niya sa mga handaan

- Binahagi ni Sharon Cuneta ang isang picture ng handaan kung saan makikita ang kanyang litrato na nakapaskil sa pader malapit sa mga nakahaing pagkain

- Aniya, natutuwa siya tuwing nakikita niya ang mga ganito kung saan tila ginagamit ang picture niya bilang sign na bawal magbalot ng pagkain

- Nagmula ito sa lyrics ng awiting niyang 'Bituing Walang Ningning' kung saan kalakip ang linyang 'Balutin mo ako'

- Naging biruan na ito sa mga handaan tuwing magbabalot ng pagkain para iuwi

Masayang nag-react si Sharon Cuneta matapos makita ang isang viral na larawan ng handaan kung saan ang kanyang litrato ay nakapaskil sa pader, malapit sa mga nakahaing pagkain. Sa kanyang social media, ibinahagi ni Cuneta ang nasabing larawan at inihayag ang kanyang tuwa sa mga ganitong eksena.

Sharon Cuneta, nag-react sa paglagay ng picture niya sa handaan
Sharon Cuneta, nag-react sa paglagay ng picture niya sa mga handaan
Source: Instagram

Ayon sa Megastar, natutuwa siya tuwing nakikita ang kanyang picture na tila ginagamit bilang paalala na bawal magbalot ng pagkain sa mga handaan. Ang ideyang ito ay nagmula sa kanyang sikat na awit na "Bituing Walang Ningning," partikular sa linyang "Balutin mo ako."

Read also

Ama, labis nabigla nang mapagtantong anak niya ang sangkot sa nadaanang aksidente

Naging biruan na sa maraming handaan ang paglalagay ng larawan ni Sharon Cuneta tuwing oras ng pagbalot ng pagkain, bagay na ikinatutuwa ng aktres at singer. "Hahahahahahaha! When I see buffets with my 'balutin mo ako...' picture, it makes me happy!!" ani Cuneta, na binati rin ang kanyang followers ng isang magandang umaga.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt.

Nagdadalamhati si Sharon sa pagpanaw ng kanyang matalik na kaibigan at dating manunulat na si Manny Castañeda. Ibinahagi niya ang kanilang pinagsamahan mula pa noong 1986 sa kanyang show na "The Sharon Cuneta Show." Inilarawan niya si Manny bilang isang mapagmahal, mabait, matalino, at may angking wit. Nagpahayag si Sharon ng taos-pusong pakikiramay sa mga naiwan ni Manny, lalo na sa kanyang matalik na kaibigan na si Direk Joey Reyes.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate