Ogie Diaz sa "This is Me" vlog ni Liza: "May dikta 'yun"

Ogie Diaz sa "This is Me" vlog ni Liza: "May dikta 'yun"

- Muling nagbigay komento si Ogie Diaz sa dating alaga niyang si Liza Soberano

- Aniya kilala niya ito buting isang mabuting bata subalit aminado siyang nagbago ito

- Lalo na umano iyong vlog niyang may pamagat na "This is Me" kung saan nailahad ni Liza ang kanyang saloonin

- Matatandaang inilabas ito ni Liza noong nakaraang taon nang siya umano ay bahagi na ng Cereless PH management

Naniniwala umano si Ogie Diaz na hindi 100% na kay Liza Soberano lahat ang ideyang nailahad niya sa 'This is me Vlog' niya noong nakaraang taon.

Ogie Diaz sa "This is Me" vlog ni Liza: "May dikta 'yun"
Ogie Diaz sa "This is Me" vlog ni Liza: "May dikta 'yun" (Liza Soberano)
Source: Youtube
"Ako, para sakin parang iba e. Parang nadiktahan e. Katulad nung vlog niya, ako hindi ako naniniwala na lahat 'yun galing kay Liza. 'Yung mga sinabi niyang 'yun. May dikta 'yun."

Napansin din umano niya ang pagbabago sa aktres na tila hindi na raw niya umano kilala.

Read also

Ogie Diaz kay Liza Soberano: "Parang hindi na si Liza 'yun,"

"Gusto ko lang magising na si Liza... sa katotohanan. Na kailangan na niyang magising na... Ako kilala ko yung bata na 'yan. Hindi ko makalimutan, mabait 'yung bata na yan. 'Di ko lang alam bakit nag-360 degrees na change ang nangyari. So, Alam mo we are open to changes pero 'wag naman yung 360 degrees, parang hindi na si Liza 'yun," ayon pa kay Ogie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Liza Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.

Read also

Mura, umano'y pinabayaan ng pamilya; muling tinulungan ni Virgelyncares

Kamakailan, napabalitang wala na umano sa pangangalaga sa Careless management si Liza. Ito ay matapos mapansin ng netizens na hindi na umano naka-follow si Liza sa Careless management maging kay James Reid na umano'y naging manager niya rito.

Sinundan naman ito ng naging pahayag ni Ogie Diaz, na dating talent manager ni Liza kung saan nasabi nitong nanghihinayang umano siya sa naiwang career ng dating alaga sa Pilipinas. Sana'y itinuloy pa rin niya ito habang patuloy na sumusubok sa Hollywood.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica