Ogie Diaz kay Liza Soberano: "Parang hindi na si Liza 'yun,"

Ogie Diaz kay Liza Soberano: "Parang hindi na si Liza 'yun,"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz ukol sa dati niyang alagang si Liza Soberano

- Ito ay matapos niyang makapanayam ang naging manager din ni Liza na si James Reid

- Naniniwala umano siya sa kabutihan ng dating alaga, subalit napansin din niya umano ang pagbabago nito

- Kamakailan, kinumpirma ng Careless PH na wala na umano sa pangangalaga nila si Liza Soberano

Nagbigay komento si Ogie Diaz patungkol sa dati niyang alaga na si Liza Soberano.

Ogie Diaz kay Liza Soberano: "Parang hindi na si Liza 'yun,"
Ogie Diaz kay Liza Soberano: "Parang hindi na si Liza 'yun," (@lizasoberano)
Source: Instagram

Aniya, likas na mabuting tao si Liza subalit aminado umano siyang kapansin-pansin umano ang pagbabago nito.

"Gusto ko lang magising na si Liza... sa katotohanan. Na kailangan na niyang magising na... Ako kilala ko yung bata na 'yan. Hindi ko makalimutan, mabait 'yung bata na yan. 'Di ko lang alam bakit nag-360 degrees na change ang nangyari. So, Alam mo we are open to changes pero 'wag naman yung 360 degrees, parang hindi na si Liza 'yun,"

Read also

Mura, umano'y pinabayaan ng pamilya; muling tinulungan ni Virgelyncares

"Ako, para sakin parang iba e. Parang nadiktahan e. Katulad nung vlog niya, ako hindi ako naniniwala na lahat 'yun galing kay Liza. 'Yung mga sinabi niyang 'yun. May dikta 'yun," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag muli sa kanyang Youtube Channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Liza Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.

Read also

James Reid, umano'y mahigit Php100 million ang atraso ni Jeffrey Oh sa kanya

Kamakailan, napabalitang wala na umano sa pangangalaga sa Careless management si Liza. Ito ay matapos mapansin ng netizens na hindi na umano naka-follow si Liza sa Careless management maging kay James Reid na umano'y naging manager niya rito.

Sinundan naman ito ng naging pahayag ni Ogie Diaz, na dating talent manager ni Liza kung saan nasabi nitong nanghihinayang umano siya sa naiwang career ng dating alaga sa Pilipinas. Sana'y itinuloy pa rin niya ito habang patuloy na sumusubok sa Hollywood.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: