Ogie Diaz, nilinaw kay James Reid na walang "Spiderman leading lady" offer noon si Liza

Ogie Diaz, nilinaw kay James Reid na walang "Spiderman leading lady" offer noon si Liza

- Nagkaroon ng pagkakataon si Ogie Diaz na linawin kay James Reid ang "Spiderman" leading lady offer kay Liza noon

- Matatandaang si Jeffrey Oh ang nagsiwalat nito na si Ogie raw 'di umano ang hindi pumayag

- Inamin din ni James ang naging saloobin niya ukol dito

- Muling binigyang diin ni Ogie na wala umanong naging offer kay Liza na ganoong role sa panahong manager pa siya ng aktres

Isa sa mga natalakay ni Ogie Diaz sa panayam niya kay James Reid ay ang umugong na balita noon na hindi raw umano niya pinayagan noon si Liza Soberano sa offer na maging leading lady sa isa sa mga Spiderman movie.

Ogie Diaz, nilinaw kay James Reid na walang "Spiderman leading lady" offer noon si Liza
Ogie Diaz, nilinaw kay James Reid na walang "Spiderman leading lady" offer noon si Liza (Ogie Diaz YouTube)
Source: Youtube

Nausisa ni Ogie ang naging reaksyon sa kanya ni James na naging manager din ni Liza ukol dito.

"Yes, a little bit. I was like, really? Like, if there was that kind of offer like why wouldn't you want that?" nang matanong ni Ogie kung tila na-off ba si James sa kanya tungkol sa Spiderman offer na umano'y wala naman talaga.

Read also

James Reid, umano'y mahigit Php100 million ang atraso ni Jeffrey Oh sa kanya

"Why wouldn't you want that kind of opportunity, the attention, evertyhing. That would be great for your career. So I was like, why?" dagdag pa ni James.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayunpaman, madali naman daw itong napalipas ni James at nilarawan ang sarili na hindi naman umano siya chismoso.

"I'm not ma-tsismis. So when I heard that, I was like Oh, okay. And then moved on with my life"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:

Si James Reid ay isang aktor sa Pilipinas. Nagsimula siyang makilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010. Sinuportahan din siya ng marami sa dating love team niya kasama si Nadine Lustre na naging real-life partner din niya noon. Siya rin ang founder ng independent record label na Careless PH. Sa ngayon, tinututukan din ni James ang kanyang career sa music.

Read also

Queenie at Princess Pacquiao, nag-iyakan dahil magkakalayo na; Princess, sa UK mag-aaral ng kolehiyo

Samantala, kamakailan lamang ay kinumpirma rin ng Careless PH na wala na sa kanilang pangangalaga si Liza Soberano epektibo noong Hulyo 29 ng kasalukuyang taon.

Matatandaang ang Careless PH ang siyang sumunod na humawak sa career ni Liza matapos ang kontrata nito sa dating manager na si Ogie Diaz. Ito rin ang mga unang naging kaagapay ni Liza sa pagtupad ng kanya umanong pangarap na makilala sa international scene.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica