James Reid, nilinaw na si Liza ang umalis sa Careless PH

James Reid, nilinaw na si Liza ang umalis sa Careless PH

- Nagbigay detalye si James Reid patungkol sa pag-alis ni Liza Soberano sa Careless PH

- Matatandaang ang Careless ang nangalaga sa career ni Liza nang matapos ang kontrata nito kay Ogie Diaz

- Matatandaang kamakailan ay naglabas na ng pahayag ang Careless PH tungkol sa nababalitang wala na nga sa kanila si Liza

- Gayunpaman, siniguro ni James na bukas pa rin umano ang pinto ng Careless management sakaling maisipan ni Liza na bumalik sa kanila

Nabigyang linaw ni James Reid ang umano'y pagkawala ni Liza Soberano sa pangangalaga ng Careless PH, ang kanyang independent record label.

James Reid, nilinaw na si Liza ang umalis sa Careless PH
James Reid, nilinaw na si Liza ang umalis sa Careless PH
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nilinaw ni James na mismong si Liza na ang nagdesisyon na umalis sa kanilang pangangalaga.

"It's her decision to leave, actually. Siya ang umalis. And you know, it's with our agreement with Liza... She can leave anytime. Actually, I think mas focus siya sa career niya sa LA. And kami, mas focus sa Philippines... We have different career paths I think," paliwanag ni James.

Read also

Ogie Diaz, nilinaw kay James Reid na walang "Spiderman leading lady" offer noon si Liza

Gayunpaman, patuloy nilang susuportahan ang tinatahak na career ngayon ni Liza. At sakaling maisipan daw nitong bumalik sa Pilipinas, bukas pa rin umano ang pinto ng Careless upang tanggapin muli ang aktres.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"She has her own co-management sa L.A., Transparent Arts and she's really focused there. Actually she's been managing herself, making a lot of her own decisions. She's very creative, very ambitious, business minded and it's been great working with her, very sweet girl. I'm sure you know it. We wish her all the best with her career in LA. With all of her international projects, everything she's doing and I just want her to know na may babalikan siya rito sa Pilipinas. The Careless team is always here for her no matter what."

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni James mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Read also

James Reid, umano'y mahigit Php100 million ang atraso ni Jeffrey Oh sa kanya

Si Liza Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.

Kamakailan, napabalitang wala na umano sa pangangalaga sa Careless management si Liza. Ito ay matapos mapansin ng netizens na hindi na umano naka-follow si Liza sa Careless management maging kay James Reid na umano'y naging manager niya rito.

Sinundan naman ito ng naging pahayag ni Ogie Diaz, na dating talent manager ni Liza kung saan nasabi nitong nanghihinayang umano siya sa naiwang career ng dating alaga sa Pilipinas. Sana'y itinuloy pa rin niya ito habang patuloy na sumusubok sa Hollywood.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica