Gabbi Garcia sa rebelasyon ni Ruru Madrid Kalokalike: "Feeling ko si Gabby Concepcion talaga 'to"

Gabbi Garcia sa rebelasyon ni Ruru Madrid Kalokalike: "Feeling ko si Gabby Concepcion talaga 'to"

- Nag-react si Gabbi Garcia sa rebelasyon ng "Kalokalike" contestant ni Ruru Madrid sa It's Showtime

- Pabirong sinabi ni Gabbi na maaaring si Gabby Concepcion ang tinutukoy, hindi siya

- Masaya si Gabbi para kina Ruru at Bianca Umali at sa kanilang relasyon

- Muling magkakatrabaho sina Gabbi at Ruru sa seryeng Encantadia Chronicles: Sang'gre

"Nakakaloka lang si Kalokalike." Ito ang naging pabirong reaksyon ni Gabbi Garcia matapos siyang mabanggit sa rebelasyon ng "Kalokalike" contestant ng It's Showtime na si Kevin, na kamukha umano ng aktor na si Ruru Madrid.

Gabbi Garcia sa rebelasyon ni Ruru Madrid Kalokalike: "Feeling ko si Gabby Concepcion talaga 'to"
Gabbi Garcia sa rebelasyon ni Ruru Madrid Kalokalike: "Feeling ko si Gabby Concepcion talaga 'to" (@gabbi, @rurumadrid8 | Instagram)
Source: Instagram

Sa naturang episode, kinilig ang girlfriend ni Ruru na si Bianca Umali sa pagkakahawig ni Kevin sa aktor, ngunit mas umingay ang usapan nang isiwalat ni Kevin na pinag-awayan umano nila ng aktres ang isang artista na nagngangalang “Gabbi.”

Nang tanungin si Gabbi tungkol dito sa isang panayam ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, pabirong sinabi ng aktres, “Alam mo, feeling ko si Gabby Concepcion talaga 'to. Parang hindi ako 'to.” Pinatawa niya ang mga manonood sa kanyang reaksyon ngunit sa seryosong bahagi, sinabi ni Gabbi, “Kidding aside, I'm happy for both Bianca and Ruru naman talaga, and it's nice to see them happy din together.”

Read also

Legal counsel ng KOJC, pinagso-sorry ang 'Chooks-to-Go' dahil sa advertisement nito

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaan na naging magka-love team sina Gabbi at Ruru noong 2016 sa hit fantaseryeng Encantadia bilang sina Alena at Ybrahim. Sa isang episode ng Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Ruru na naging girlfriend niya si Gabbi bago pa siya naging karelasyon ni Bianca Umali.

Ngayon na muli silang magsasama sa proyekto, masaya si Gabbi na makatrabaho muli si Ruru. “Naglolokohan nga kami na after eight years, isipin mo, naging Alena at Ybrahim Ibarro ulit siya at ako. Nakaka-throwback lang, nakakatuwa,” pagbabahagi ni Gabbi.

Matatandaang nag-post si Gabbi Garcia sa Instagram at ibinahagi ang mga video ng kanyang pagsabak sa ice bath challenge.Nakalubog siya sa tubig na puno ng tube ice at napakatatag niya para kayanin ito. Nakalublob ang aktres sa ice bath nang 10 minuto at 7 segundo. Kasama rin niya ang kanyang nobyo na si Khalil Ramos, na sumabak din sa hamon.

Read also

Aiai Delas Alas, ibinida ang kanyang magiging daughter-in-law

Sa isang nakakaaliw na video kasama ang kanyang nobyo na si Khalil Ramos, ipinakita ni Gabbi ang mga magagandang benepisyong natatamasa niya bilang anak ng isang flight purser. Matatandaang ang ina ni Gabbi, si Tes Lopez, ay isa sa mga flight purser ng Philippine Airlines.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate