Darren Espanto, inalala ang sumikat na kanta ni Kim Chiu noong pandemic
- Inalala ni Darren Espanto ang sumikat na aiwitin ni Kim Chiu noong panahon ng pandemya
- Matatandaang hindi talaga ito awitin kundi isang paalala sa publiko ng pagsunod sa community quarantine
- Kalaunan, naging awitin ito at naging TikTok trend din
- Taong 2020 nang mabalot tayo ng COVID-19, dahilan para magkaroon ng lockdown sa iba't iobang bahagi ng mundo
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa pinakahuling episode ng 'Throwbox' ng It’s Showtime, muling bumalik sa alaala ng mga tagapanood ang isang pamosong linya mula kay Kim Chiu na naging viral noong 2020.
Ang linya, “Sa classroom, may batas. Bawal lumabas, bawal lumabas,” ay muling binigyang-diin ni Darren Espanto sa nasabing segment sa show, na nagbigay ng nostalgia sa lahat ng nanood.
Matatandaang naging isa rin itong awitin at nagkaroon pa ng dance steps na lalong pinasikat sa TikTok.
Dahil dito, nahiritan pa ng iba pang mga It's Showtime host si Darren ng 'sampol' ng naturang dance moves. "Inaral mo talaga ah" ang tanging nasabi ni Kim na naroon din sa entablado.
RR Enriquez, nag-react sa isyu ng Balay Dako, ang restaurant na hindi pinapasok ang Aspin na si Yoda
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Kim Chiu, na nagbigay ng naturang pahayag sa isang live na interview noong panahong mahigpit ang mga quarantine restrictions, ay hindi inaasahang umani ng pansin sa kanyang simpleng pahayag na iyon, na naging paminsan-minsan na pag-asa at aliw sa mga tao sa gitna ng pandemya. Ang kanyang mga salitang iyon ay naging meme at nagbigay inspirasyon sa marami, na nagpapatunay sa kahalagahan ng humor sa panahon ng pagsubok.
Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa naturang segment ng It's Showtime:
Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng Yu.
Naging maugong ang pagtatapos ng kanilang relasyon noong nakaraang taon na naunang napansin ng publiko dahil na rin sa mga sagot ni Kim tuwing natatanong ito tungkol kay Xian.
Bukod sa It's Showtime, Nagkroon din ng ilang serye si Kim tulad ng 'What's Wrong With Secretary Kim' kung saan kapareha niya si Paulo Avelino na minsan na niyang naging leading man sa 'Linlang.'
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh