Bimby, ibinida ang kanyang husay sa kusina; pinagluto si Darla Sauler

Bimby, ibinida ang kanyang husay sa kusina; pinagluto si Darla Sauler

- Binahagi ni Darla Sauler ang kanyang pagbisista sa bahay nina Kris Aquino sa America pagkatapos ang ASAP Natin To kamakailan na ginanap doon

- Personal na pinagluto siya nina Kris Aquinoa t ng anak niyang si Bimby na gamay na gamay na ang pagluluto

- Maging si Kris na hindi pa gaanong magaling ay siya mismo ang nagluto para kay Darla

- Isa lamang si Darla sa matagal nang kaibigan ni Kris na tinuring na rin nilang pamilya dahil sa pagiging malapit nito sa kanilang mag-iina

Ibinahagi ni Darla Sauler ang kanyang masayang karanasan sa pagbisita sa tahanan nina Kris Aquino sa Amerika kamakailan, matapos ang pagganap ng ASAP Natin 'To sa nasabing bansa. Ayon kay Darla, personal siyang pinagluto ng mag-inang Kris at Bimby, kung saan kapansin-pansin ang husay ni Bimby sa pagluluto.

Bimby, ibinida ang kanyang husay sa kusina; pinagluto si Darla Sauler
Bimby, ibinida ang kanyang husay sa kusina; pinagluto si Darla Sauler
Source: Youtube

Ani Darla, gamay na gamay na ni Bimby ang paghahanda ng mga pagkain, na ikinatuwa niya nang husto. Maging si Kris, na umamin na hindi pa siya ganap na bihasa sa pagluluto, ay nag-abala rin sa kusina para sa kanilang espesyal na bisita.

Read also

RR Enriquez, nag-react sa isyu ng Balay Dako, ang restaurant na hindi pinapasok ang Aspin na si Yoda

Isa lamang si Darla sa mga matagal nang kaibigan ni Kris Aquino na itinuturing na rin nilang bahagi ng kanilang pamilya dahil sa pagiging malapit nito sa kanilang mag-iina.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan. Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc. Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas.

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho. Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at nagsabing hinihintay nito ang pagbabalik ni Kris. Ayon pa kay Kris walang lunas ang sakit niyang Churg Strauss o kilala din bilang EGPA.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate