RR Enriquez, nag-react sa isyu ng Balay Dako, ang restaurant na hindi pinapasok ang Aspin na si Yoda
- Ang Aspin na si Yoda, alaga ni Lara Antonio, ay hindi pinapasok ng Balay Dako kahit na nauna na itong pinayagan noon
- Pinalabas daw ng staff ng restaurant na may timbang na limitasyon ang mga alagang hayop ngunit tila nagkakalituhan sa polisiya
- Naglabas ng pahayag ang Balay Dako na humihingi ng paumanhin at nagbigay ng pangakong rerebisahin ang kanilang pet policy
- Nagpahayag ng pagkadismaya si RR Enriquez sa social media ukol sa diskriminasyon laban sa mga Aspin sa mga pet-friendly na establisyimento
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbahagi si Sawsawera Queen RR Enriquez ng kaniyang karanasan nang bumisita siya sa Balay Dako. Ayon sa kaniya, na-frustrate siya sa diskriminasyon na nararanasan ng mga Aspin, na madalas na hinuhusgahan at itinataboy dahil lamang sila ay mixed breed.
Binatikos ni Enriquez ang mga pet-friendly na establisyimento na may mga limitasyon sa laki o timbang ng mga alagang hayop, at tinawag itong hindi makatarungan. Hinimok niya ang mas malawak na pagtanggap at katarungan para sa mga Aspin at iba pang mixed-breed na aso.
Pumutok ang kontrobersiya sa isang kilalang "pet-friendly" restaurant sa Tagaytay City, ang Balay Dako, matapos ipagbawal ang pagpasok ng isang Aspin (Asong Pinoy) na si Yoda, alaga ni Lara Antonio, noong Setyembre 9, 2024.
Ibinahagi ni Antonio sa social media ang pagkadismaya niya sa naging trato ng naturang restaurant sa kanila. Una silang pinayagang makapasok, ngunit may kondisyon na dapat magsuot ng diaper si Yoda. Gayunpaman, habang naghihintay na maupo, nilapitan sila ng isang empleyado at sinabing hindi na maaaring pumasok si Yoda.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon kay Antonio, ang paliwanag ng staff ay dahil lamang sa laki ng aso. Sinabi umano sa kaniya na tanging mga medium-sized na aso lamang ang pinapayagan, ngunit tila nagkakalituhan sa mga panuntunan ng restaurant. Binanggit ng staff na ang mga aso ay dapat may timbang na nasa pagitan ng 10 hanggang 15 kg, isang limitasyong hindi nakasaad sa pet guidelines ng Balay Dako at tila arbitraryo lamang.
Dagdag pa rito, mas lumala ang sitwasyon nang sabihin ng manager ng restaurant na tanging mga partikular na breed tulad ng Shih Tzu at Labrador ang pinapayagan. Naging palaisipan ito kay Antonio dahil ang mga Labrador ay mas mabigat kaysa sa sinasabing 15 kg na limitasyon. Tinuligsa niya ang patakaran ng restaurant at sinabing tila base sa itsura ng aso at hindi sa aktuwal na timbang ang pagpapasya. Inusisa rin niya kung bakit pinapayagan ang mga Labrador at Golden Retriever kung talagang may 15 kg weight limit.
Naglabas ng pahayag ang Balay Dako at humingi ng paumanhin sa insidente. Ipinahayag nila na nirerebisa nila ang kanilang patakaran ukol sa mga alagang hayop upang mas maging malinaw at patas. Iginiit ng restaurant ang kanilang malasakit sa kapakanan ng mga hayop, ngunit inamin ang pangangailangan na tiyakin ang kaligtasan at kaginhawaan ng lahat ng bisita. Nangako rin silang pagbutihin ang pagsasanay ng kanilang mga tauhan upang mas maayos na ipatupad ang mga polisiya.
Tinutukan ng publiko ang isyung ito, at umaasa ang marami na magkaroon ng mas inklusibong polisiya ang mga pet-friendly na establisyimento, lalo na para sa mga Aspin at iba pang hayop na madalas nadidiscriminate.
Si RR Enriquez ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014.Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.
Bilang isang dating Kapamilya artist, nagbahagi siya ng kanyang pakikisimpatya sa pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.
Kabilang si RR Enriquez sa mga personalidad na naghayag ng kanilang saloobin kaugnay sa nag-viral na resort nahttps://kami.com.ph/163133-rr-enriquez-rumesbak-sa-sumalungat-sa-opinyon-nya-mas-laman-utak-ko-sayo.html
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh