Kaladkaren at Luke Wrightson, ikinasal na sa United Kingdom

Kaladkaren at Luke Wrightson, ikinasal na sa United Kingdom

- Ikinasal sina Kaladkaren at Luke Wrightson sa Raven Hall County, United Kingdom

- Naganap ang seremonya noong ika-8 ng Setyembre 2024 sa gitna ng makapal na ulap

- Dinaluhan ito ng kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan

- Ibinahagi ni Kaladkaren na sa kabila ng hamog, siya ang pinakamasuwerteng babae

Masayang ibinahagi ni Kaladkaren at ng kanyang asawang si Luke Wrightson ang kanilang kasal na naganap noong ika-8 ng Setyembre 2024 sa Raven Hall County, United Kingdom. Sa pamamagitan ng post mula sa Nice Print Photography, inanunsyo ang magandang balita: "It’s official! Congratulations and Best wishes @kaladkaren and Luke Wrightson 💍💍🤍🤍 Such a lovely, beautiful int!mate wedding at Raven Hall County, United Kingdom."

Kaladkaren at Luke Wrightson, ikinasal na sa United Kingdom
Kaladkaren at Luke Wrightson, ikinasal na sa United Kingdom
Source: Instagram

Sa kanyang sariling Instagram post, ibinahagi ni Kaladkaren ang kakaibang karanasan sa kanilang kasal na tinawag niyang “Wedding in the clouds.” Aniya, “Luke and I dreamed for a beautiful sunny day in this fantastic cliff top wedding venue in England. It’s supposed to have the best overlooking views in North Yorkshire. On our wedding day, ironically, the views were covered by a thick fog! It was almost zero visibility!!!!!! What a one in a million chance!”

Read also

Dating PRRD, nagsampa ng kaso kina Abalos, Gen. Marbil

Sa kabila ng makapal na ulap at hamog, hindi nagpatinag si Kaladkaren sa masayang araw ng kanilang buhay. "Unlucky? Not at all. But marrying the love of my life surrounded by our dearest friends and families … makes me feel the luckiest woman alive! And hey, who else can say they got married in the clouds?! 😘" dagdag niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang kasalan, bagaman puno ng hamog at limitado ang tanawin, ay puno naman ng pagmamahal mula sa kanilang mga pamilya at kaibigan. Ngayon, opisyal nang mag-asawa sina Kaladkaren at Luke Wrightson at sila'y masayang nagsimula ng kanilang bagong yugto ng buhay bilang Mr. & Mrs. L Wrightson.

Si Jervi Li o mas kilala bilang si Kaladkaren ay isang transwoman na kilala sa pag-impersonate sa respetadong broadcaster na si Karen Davila.

Read also

Kris Lawrence, pinasilip ang masayang birthday celebration nya kasama ang anak na si Katie

Nag-viral ang mga video niya ng panggagaya kay Karen Davila at dahil bukod sa pananamit at kuhang-kuha rin nito ang boses ng news anchor.

Sa isa sa mga video, makikitang naging emosyonal si KaladKaren habang nagpapahayag ng pasasalamat sa kanyang mga mahal sa buhay, kabilang na si Vice Ganda. Ayon kay KaladKaren, si Meme Vice ang pangunahing sponsor ng surprise bridal shower.

Ibinahagi ni KaladKaren sa Instagram Stories kung paano siya naapektuhan ng mensahe ni Kim Chiu para sa kanya. Sobrang naantig ang aktres sa mensahe na napaiyak siya. Nagpasalamat si KaladKaren kay Kimmy para sa kanilang magandang pagkakaibigan. Sumagot din si Kim at sinabing mahal niya ang kanyang "sis," si KaladKaren

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate