Ms. Catering, nakatanggap ng sorpresa mula kay Wilbert Tolentino

Ms. Catering, nakatanggap ng sorpresa mula kay Wilbert Tolentino

- Masayang-masaya si Ms. Catering sa natanggap na regalo mula sa content creator din na si Wilbert Tolentino

- Sinadya ni Wilbert ang lugar nina Ms. Catering upang maihatid ang kanyang regalo

- Unang binigyan ni Wilbert ng 100,000 pesos ang nanay ni Ms. Catering na para daw sa kanyang pang-maintenance

- Isang bangka naman na magagamit upang makapangisda na may kumpletong gamit na ang handog ni Wilbert para sa kanila upang mayroon silang pangkabuhayan

Masayang-masaya si Ms. Catering sa natanggap niyang sorpresa mula sa kilalang content creator na si Wilbert Tolentino. Personal na sinadya ni Wilbert ang lugar nina Ms. Catering upang maihatid ang kanyang mga regalo at magbigay ng kasiyahan sa pamilya nito. Ang una niyang ibinigay ay isang halagang 100,000 pesos na nakalaan para sa pang-maintenance ng nanay ni Ms. Catering.

Ms. Catering, nakatanggap ng sorpresa mula kay Wilbert Tolentino
Ms. Catering, nakatanggap ng sorpresa mula kay Wilbert Tolentino (@sirwil75 | Instagram)
Source: Instagram

Hindi dito nagtapos ang sorpresa ni Wilbert. Nagbigay din siya ng isang bangka na may kumpletong kagamitan para sa pangingisda. Ang bangka ay layuning makatulong sa kanilang pangkabuhayan, sa halip na paminsan-minsan lamang na tulong. Ayon kay Wilbert, naniniwala siyang mas mainam na turuan ang tao kung paano mangisda upang magkaroon ng pangmatagalang kabuhayan, kaysa bigyan lamang ng isda paminsan-minsan.

Read also

Ry Velasco, trending dahil sa video ng pagbigay niya ng kotse sa amang si Onyok Velasco

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Wilbert Ting Tolentino ay isang negosyante na nakilala nang tanghalin siyang Mr. Gay World Philippines noong taong 2009. Nakilala din siya bilang manager ng ilang sikat na social media personalities kagaya nina Madam Inutz at Herlene Nicole Budol.

Matatandaang diretsahang sinagot ni Wilbert ang isang blind item tungkol sa umano'y comedienne na nagbago ng image. Sa caption ng naturang blind item ay may tanong kung totoo bang uma-attitude na umano ang naturang comedienne na bibidahin. Nilinaw ng manager ni Herlene na noong nag-inquire sa kanya ay hindi pa nakapag sign ng contract sa Binibining Pilipinas si Herlene. Ginawa lamang umano niya ang kanyang obligasyon bilang manager at iyon ay ang protektahan ang hinahawakan niyang artist.

Naglabas si Wilbert Tolentino ng kanyang saloobin patungkol sa taong kanyang natulungan. Aniya ay nakakadala ugali ng taong ito na hini niya pinangalanan ngunit aniya ay ungrateful ito. Lagi din daw pabalang ito sumagot at aniya ay hindi ito magtatagal sa industriya sa ugali nito. Dagdag pa ni Wilbert, hindi na daw niya kayang pagtakpan ang tunay na ugali ng taong kanyang tinutukoy.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate