Fyang ng PBB Gen 11, may ibinilin na gawin ng latest evictee na si Joli

Fyang ng PBB Gen 11, may ibinilin na gawin ng latest evictee na si Joli

- Napansin ng netizens ang tila ibinulong ni Fyang ng PBB Gen 11 sa latest evictee na si Joli

- Bago bumalik sa Bahay ni Kuya, nagpaalam na si Fyang kay Gwen at Joli at pasimpleng sinabi ang bilin

- Sa kabila ng ilang linggo na pagiging nominado, patuloy na naisasalba ng publiko si Fyang

- Isa lamang siya sa mga natitirang housemates ni Kuya sa Pinoy Big Brother Gen 11

Sa 6th eviction night ng Pinoy Big Brother Gen 11, sina ang 2 in 1 housemates na sina Joli at Gwen na tuluyan nang namaalam sa bahay ni kuya.

Fyang ng PBB Gen 11, may ibinilin na gawin ng latest evictee na si Joli
Fyang ng PBB Gen 11, may ibinilin na gawin ng latest evictee na si Joli ( Pinoy Big Brother)
Source: Youtube

Kasama nina Joli at Gwen na naging kapwa nominado sa nagdaang linggo sina Fyang at Kolette.

Si Kolette ang unang nabanggit na ligtas sa linggong ito at sina Fyang, Gwen at Joli ang nagtungo sa game room para sa pag-anunsyo ng ikaanim na evictee.

Read also

Gigi De Lana, sinagot bakit tinuloy pa noon ang shows sa kabila ng pagpanaw ng ina

At nang masabing si Fyang ang ligtas, kapansin-pansin ang binulong nito na nais na ipagawa ni Joli sa paglabas nito sa bahay ni Kuya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Chat mo si Sean Kelly Panganiban... Sabihin mo love ko siya," ani Fyang bago ito bumalik sa bahay ni kuya.

Narito ang kabuuan ng video sa 6th eviction night ng Pinoy Big Brother Gen 11:

Ang Pinoy Big Brother ay isa sa popular na reality show ng ABS-CBN na nagsimula noong 2005. 13 na mga housemates ang nanatili sa bahay ni kuya subalit apat lamang ang natira upang masungkit ang pagiging isang big winner. Si Nene Tamayo ang kauna-unahang big winner ng PBB.

Samantala, kinagiliwan kamakailan ang umano'y mini reunion ng Pinoy Big Brother season one housemates. Ibinahagi ng ex-PBB housemate na si Cassanda Ponti ang ilang mga kaganapan doon kung saan sumipot ang ka-batch nilang si Sam Milby. Matatandaang isa rin si Sam sa mga artistang produkto ng naturang reality show.

Read also

Sarina Hilario, hinangaan sa bersyon niya ng 'Maybe This Time'

Kamakailan, hinangaan naman ang isa ring PBB Gen 11 housemate na si Kai dahil sa ipinakita nitong reaksyon nang tuluyan na niyang makilala ang kanyang bioligical mother. Marami ang naluha umano sa episode na ito dahil na rin sa kabutihang puso na ipinakita ni Kai sa kanyang ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: