Gigi De Lana, emosyonal na inalala ang huling usap nila ng ina bago ito pumanaw

Gigi De Lana, emosyonal na inalala ang huling usap nila ng ina bago ito pumanaw

- Inalala ni Gigi De Lana ang huling araw na nakausap ang kanyang pumanaw na ina

- Natatandaan niya umano ang kanyang dinasal bago siya tuluyang iwan ng kanyang ina

- Aminado siya na hanggang ngayon, labis pa rin ang umano'y sakit na dulot ng pagkawala ng kanyang ina

- Matatandaang noong nakaraang taon, naikwento ni Gigi ang karamdaman ng ina na may stage four brèast cancer

Emosyonal na inalala ni Gigi De Lana ang huling pagkakataong na nakausap niya ang kanyang ina.

Gigi De Lana, emosyonal na inalala ang huling usap nila ng ina bago ito pumanaw
Gigi De Lana, emosyonal na inalala ang huling usap nila ng ina bago ito pumanaw (Gigig De Lana)
Source: Youtube

Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, binalikan ni Gigi ang kanyang naging panalangin ilang minuto bago malagutan ng hininga ang kanyang Mama Imelda na matapang na nakipaglaban sa stage four brèast cancer.

Kwento ni Gigi, nagawa pa umano niyang mag-video call sa kanyang ina noon gayung nasa Canada siya para sa ilang series ng concert niya kasama ang banda.

Read also

Kai ng PBB Gen 11, hinangaan sa ipinakitang reaksyon nang makasama ang tunay na ina

Natandaan niyang hindi man nakakapagsalita, nagawa pang magkaroon ng reaksyon ng kanyang ina nang maikwento niyang nagtanghal siya sa isa sa mga concert nila noon habang nawawala ang kanyang passport na kalauna'y nakita niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang naturang usapan, naisipan na ni Gigi na maligo at doon niya naisipang magdasal.

"Kinausap ko si Lord. Sabi ko Lord, okay na po. Kunin mo na siya... Hirap na hirap na siya ate Toni."

Nilarawan niyang namamaga na noon ang mukha ng kanyang ina na alam niyang nahihirapan na sa sakit na patuloy pa rin nito noong nilalabanan.

"After kong maligo, may tumatawag. Pagkasagot ko lahat sila nag-iiyakan. Alam ko na. And then, na-shock ako. 'Yung mama ko na wala na."

Sa kabila ng dasal na iyon ni Gigi, aminado siyang hindi naging madali para sa kanya ang pagpanaw ng ina.

Read also

KZ Tandingan, pinagselosan ang nabasang text; 'Baby' pa ang tawag kay TJ

"Pero 'nung nawala, hindi ako okay. Hindi pala... Until now."

Narito ang kabuuan ng naging panayam sa kanya sa Toni Talks:

Si Gigi De Lana ay unang nakilala bilang si Gidget Dela Llana na sumikat nang siya'y sumali sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Bukod sa pagiging singer, isa ring aktres si Gigi at nakasama siya sa pelikulang '4 Sisters Before the Wedding.'

Buhat nang mag-pandmeya, naging aktibo si Gigi sa online gig nila ng kanyang banda sa YouTube channel nilang Gigi De Lana and the Gigi Vibes.

Noong Mayo 14 ng kasalukuyang taon, inanunsyo ni Gigi ang pagpanaw ng kanyang ina. Sa pamamagitan ng isang social media post, ibinahagi niya ang larawan ng ina na may caption na "Mahal na mahal kita... Pahinga ka na po Mama ko."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: