Ariel Rivera, nagbigay ng babala laban sa scammer na gumagamit ng pangalan nya

Ariel Rivera, nagbigay ng babala laban sa scammer na gumagamit ng pangalan nya

- Nagbigay ng babala si Ariel Rivera laban sa mga scammer na gumagamit ng kanyang pangalan para manghingi ng pera

- Nilinaw ni Ariel na wala siyang Facebook account at hindi siya nanghihingi ng pera online

- Isang kaibigan ni Ariel mula Oslo, Norway ang muntik nang mabiktima ng scam ngunit agad itong naipaalam sa kanyang asawa

- Hinimok ni Ariel ang publiko na maging maingat at huwag basta magtiwala sa mga pekeng account

Nagbigay ng babala ang aktor at singer na si Ariel Rivera laban sa mga scammer na gumagamit ng kanyang pangalan upang manloko ng mga tao. Sa kanyang Instagram post, nilinaw ni Ariel na wala siyang Facebook account at mariing pinabulaanan ang mga gumagamit ng kanyang pangalan para manghingi ng pera.

Ariel Rivera, nagbigay ng babala laban sa scammer na gumagamit ng pangalan nya
Ariel Rivera, nagbigay ng babala laban sa scammer na gumagamit ng pangalan nya
Source: Instagram

"Mga kaibigan, hindi po ako ito. I DO NOT have a Facebook account! They have been trying to scam people for money," ani Ariel sa kanyang post. Ibinahagi rin ng aktor na isang kaibigan niya mula Oslo, Norway ang nakatanggap ng mensahe mula sa mga scammer, kung saan sinubukan siyang hingan ng pera. Agad na ipinaalam ng kaibigan ang insidente sa asawa ni Ariel, kaya mabilis na napigilan ang posibleng panloloko.

Read also

Lumang post ni Angelica Yulo tungkol sa pagiging ina, binalikan ng netizens

Idinagdag pa ni Ariel na nakakalungkot isipin na may mga kababayan na handang manloko at magnakaw mula sa kapwa Pilipino na nagsusumikap sa kanilang marangal na pamumuhay. Hinihikayat niya ang publiko na maging mapagmatyag at huwag basta-basta magtiwala sa mga kahina-hinalang mensahe na galing sa hindi kumpirmadong account.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Gelli de Belen ay isa sa mga kilalang aktres at TV host sa bansa. Siya ang nakababatang kapatid ng isa pang mahusay na aktres na si Janice de Belen. Taong 1997 nang ikasal siya sa sikat na aktor at OPM singer na si Ariel Rivera.

Matatandaang binahagi ni Gelli ang isang TikTok video. Nakipagsabayan si Gelli sa mga kasamahan niyang bagets sa kanilang seryeng "2 Good 2 Be True" sa pagsayaw. Kasama niya sina Gillian Vicencio at Bianca de Vera sa video na talaga namang umani ng mga komento. Agad na napansin ng mga netizens na tila magkakaedad lang sila tingnan sa naturang video.

Nag-post si Gellie sa Instagram ng pictures at video na kuha sa graduation ng kanyang anak na si Julio. Nagtapos ito sa kolehiyo sa York University sa Canada base sa post ng kanyang inang si Gelli. Magkasama ang mag-asawang Ariel Rivera at Gelli na dumalo sa graduation ng kanilang anak. Kabilang sina Aiko Melendez at Arlene Muhlach sa mga kasamahan nila sa showbiz na bumati sa pagtatapos ng kanilang anak.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate