Mel Tiangco, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa Baby no. 5 nina Iya at Drew Arellano

Mel Tiangco, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa Baby no. 5 nina Iya at Drew Arellano

- May nakakatawang reaksyon si Mel Tiangco sa pagbubuntis ni Iya Villania sa “24 Oras”

- Binati ng mga anchors si Iya matapos niyang ianunsyo na siya’y nagdadalang-tao sa panglimang anak nila ni Drew Arellano

- Pabirong tinanong ni Mel si Iya tungkol sa kanyang ikalimang pagbubuntis matapos ang dalawang araw na leave nito

- Ibinahagi ni Iya ang isang masayang video ng kanyang pamilya na nagpapakita ng kanyang pagbubuntis

Naging usap-usapan ang nakakatawang reaksyon ni Mel Tiangco sa ikalimang pagbubuntis ni Iya Villania sa nagdaang episode ng “24 Oras” kagabi. Kasama sina Pia Arcangel at Emil Sumangil, malugod na sinalubong ni Mel si Iya matapos ang kanyang dalawang araw na leave.

Mel Tiangco, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa Baby no. 5 nina Iya at Drew Arellano
Mel Tiangco, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa Baby no. 5 nina Iya at Drew Arellano (GMA Integrated News | YouTube, @drewarellano| Instagram)
Source: Instagram

Sa closing spiel ng programa, binati ng mga anchors si Iya matapos niyang ianunsyo na siya’y muling nagdadalang-tao, kasama ang kanyang asawang si Drew Arellano. "'Uy, welcome back from your two-day vacation. Ha? Tapos may baby nang dala at pang-lima? Ano ba 'yun, Drew? Ngayon lang ako nakarinig ng ganiyan, ha?" pabirong sinabi ni Mel.

Read also

Chloe San Jose, sinagot ang komento ng ama ni Carlos Yulo

"'Wag mo na akong pagalitan, Tita," sagot naman ni Iya habang natatawa.

"Pero last na talaga. Last na talaga!" dagdag pa ni Iya, ngunit pinaalala ni Pia Arcangel, "Never say never."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpatuloy ang katuwaan ni Mel at sinabing, “Delete, delete 'yan. Congratulations. I'm so happy for you."

Sumagot naman si Iya, "We're a growing family."

"Growing and growing and growing and growing!" natatawang banat pa ni Mel.

Kahapon, ibinahagi ni Iya sa Instagram ang isang masayang video ng kanyang pamilya na sumasayaw sa kantang “Mambo No. 5” ni Lou Bega. Sunod-sunod na ipinakilala sa video ang kanilang mga anak: si Primo bilang anak number 1, si Leon sa number 2, si Alana sa number 3, at si Astro sa number 4. Pagdating sa bahagi ng kanta na binanggit ang pang-limang bilang, isang larawan ng ultrasound ang lumitaw, senyales ng bagong miyembro ng pamilya Arellano.

Read also

Mark Andrew Yulo, nagkomento sa post ni Caloy: "Dapat mag sorry ka sa nanay mo"

Si Iya Villania-Arellano, ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang TV presenter. Isa siyang Filipina-Australian na kinalaunan ay naging aktres at host na rin. Nakilala rin siya bilang isa sa pinakasikat na VJ ng Myx Channel.

Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ni Iya ang kanyang video ng kanyang pagwo-work out dalawang linggo matapos niyang manganak sa kanyang bunso. Umani ito ng mga reaksiyon at komento lalo na mula sa mga kapwa niya artista. Marami ang humanga na kahit kapapanganak lang nito ay kayang-kaya niyang mag-workout.

Kamakailan ay binahagi ni Iya na tuluyan nang natanggal ang front teeth ng anak niyang si Leon sa edad na limang taon. Ikinuwento niya na inakala nila ni Drew na na-save nila sa pagkakabunot ang dalawang ngipin nito nang unang matumba siya. Gayunpaman, masaya daw ang kanyang anak kaya kinalaunan ay mayroon siyang napagtanto. Aniya, ang mahalaga ay ang nararamdaman ng anak niya at aminado siyang naisip niya ang maaring sabihin ng ibang tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate