Sarah Geronimo, nagpasalamat kay Ralph dahil muling nakilala ang 'Maybe This Time'

Sarah Geronimo, nagpasalamat kay Ralph dahil muling nakilala ang 'Maybe This Time'

- Nagpasalamat si Sarah Geronimo kay Ralp Xyrel Villaruz, ang mag-aaral na naging daan upang mag-viral muli ang awitin niyang Maybe This Time

- Sa isang video na naibahagi sa X, inihayag ng Pop Star royalty ang kanyang pasasalamat

- Nagpahiwatig pa ito ng kagustuhang makita nang personal si Ralph at sinabing 'See you soon Ralph'

- Matatandaang matapos sumikat ang dance cover ni Ralph ay na-feature siya sa ilang TV programs at kamakailan nga ay nag guest sa It's Showtime at ASAP

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang Pop Star Royalty na si Sarah Geronimo kay Ralph Xyrel Villaruz, isang mag-aaral na naging daan upang muling sumikat at makilala ang kanyang awiting "Maybe This Time." Sa isang video na naibahagi sa X (dating Twitter), personal na pinasalamatan ni Sarah si Ralph dahil sa pag-viral ng kanyang dance cover na nagbalik sa spotlight ng nasabing kanta.

Read also

Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang pagsayaw ng 'Maybe This Time'

Sarah Geronimo, nagpasalamat kay Ralph dahil muling nakilala ang 'Maybe This Time'
Sarah Geronimo, nagpasalamat kay Ralph dahil muling nakilala ang 'Maybe This Time'
Source: Instagram

Sa naturang video, makikitang masayang-masaya si Sarah habang sinasabi ang kanyang mensahe. Dagdag pa niya, "See you soon, Ralph," na nagpapahiwatig ng kanyang kagustuhang makita at makilala nang personal ang batang naging inspirasyon sa muling pagsikat ng kanyang kanta.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang si Ralph Xyrel Villaruz ay naging usap-usapan sa social media matapos mag-viral ang kanyang dance cover ng "Maybe This Time," na umani ng maraming views at shares. Dahil dito, hindi lamang sa TikTok sumikat si Ralph kundi na-feature din siya sa ilang TV programs. Kamakailan lamang ay nag-guest siya sa mga sikat na shows na "It's Showtime" at "ASAP," kung saan mas lalong umingay ang kanyang pangalan.

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar Royalty. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Read also

Euleen Castro, may nakakatawang hirit matapos masira ang sofa kung saan isa sya sa nakaupo

Dumalo sina Sarah at Matteo Guidicelli sa birthday celebration ng kapatid ni Mommy Divine. Sa binahaging picture ng Instagram ng AshMatt (fans ng mag-asawang Sarah at Matteo) kasama nila ang kapatid ng ina ni Sarah. Marami ang natuwa lalo na ang mga fans ni Sarah dahil kahit umano pa-unti-unti ay nagiging maayos na ang relasyon ni Sarah sa pamilya. May mga umaasang ito na ang simula ng pagkakabati ng mag-ina na matagal na ring nagkatampuhan.

Binati ni Sarah ang kanyang mga magulang na sina Daddy Delfin at Mommy Divine Geronimo. Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Sarah na ang kanyang mga magulang ang superheroes ng kanyang buhay. Binati niya ng Happy Mother's Day ang kanyang mommy kalakip ng kanyang pasasalamat sa aniya'y walang katumbas na pag-aaruga at pagmamahal. Sa kanyang pagbati ay binahagi ni Sarah ang pictures niya kasama ang kanyang mga magulang.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: