Melai, tinodo ang pagiging fan girl: "Nakalimutan ko na may asawa ako ui!"

Melai, tinodo ang pagiging fan girl: "Nakalimutan ko na may asawa ako ui!"

- Tila tinodo ni Melai Francisco ang kanyang pagiging fan girl sa meet and greet ng paborito niyang artist

- Aniya, nanumbalik ang masasayang memories ng kanya umanong "emo days"

- Sa kanyang ibinahaging mga pics at video, nakikita kung gaano kasaya ang kinikilalang mahusay na host at komedyante sa bansa

- Sa ngayon, mayroon na siyang sariling Bisaya Talk Show, ang Kuan on One

Emosyonal na pagbabalik-tanaw ang naranasan ni Melai Francisco habang inaalala ang kanyang "emo days" sa meet and greet ng Seconhand Serenade na nagkaroon ng show sa bansa noong Agosto 30.

Melai, tinodo ang pagiging fan girl: "Nakalimutan ko na may asawa ako ui!"
Melai, tinodo ang pagiging fan girl: "Nakalimutan ko na may asawa ako ui!" (@mrandmrsfrancisco)
Source: Instagram

Ani Melai, nanumbalik ang masasayang memories niya noon sa paaralan kung saan mga kanta ng nasabing artist ang kanyang pinakikinggan.

"Grabe, nanumbalik ang memories nung nag-Emo Emo kami sa school dati, kahit kutsilyo na ang pantasa sa eyeliner namin maka-Emo lang sa intrams," ang bahagi ng kanyang Instagram post.

Read also

Miss Universe 2018 Catriona Gray at mga kasama, ninakawan sa London

Pinasalamatan din ni Melai ang Secondhand Serenade, lalo na ang vocalist nitong si @secondhandjohn, sa kamangha-manghang konsiyerto. Ayon sa kanya, ang karanasan sa concert ay tila nagdala sa kanya sa ibang mundo at pansamantalang nalimutan niya ang kanyang kasalukuyang estado bilang may asawa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Thank you so much sa the best na concert. Nakalimutan ko na may asawa ako. Grabe, nakakataas balahibo ang feeling, brings back so many memories," dagdag niya.

Ang post ay umani ng maraming reaksyon mula sa iba pang mga fans na nakaranas din ng kaparehong emosyonal na karanasan sa kanilang kabataan, at ipinakita ang patuloy na epekto ng musika sa kanilang buhay.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Melai Cantiveros ang naging big winner sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Sa naturang reality show din nagmula ang kanya na ngayong mister na si Jason Francisco. Nag-umpisa ang lahat sa kulitan sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa sila na nga ang nagkatuluyan at nabiyayaan ng dalawang anak.

Read also

Ogie Diaz, nagtanong sa abogado sa posibleng kahinatnan ng reklamo ni Gerald Santos

Noong nakaraang taong 2023, nagtungo sa Korea ang buong pamilya nina Melai at Jason. Madalas ang update ni Melai sa kanyang IG stories at mabilis itong mag-viral at mag-trending dahil sa mga kulitan ng kanilang pamilya labis na nakapagpapasaya sa mga manonood. Sinasabing ito na rin ang pagkakataong nag-shoot si Melai ng kanyang pelikulang Ma'am Chief.

Kabilang pa rin si Melai sa mga hosts ng Pinoy Big brother Gen 11 kasama sina Robi Domingo, Enchong Dee, Bianca Gonzales at ang bagong karagdagan sa kanila na si Alexa Ilacad. Mapapansing lahat ng mga hosts na ito ay naging housemates din ni Kuya. Bukod dito, may sarili na ring Bisaya Talk Show si Melai ang 'Kuan on One.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: