Andi, emosyonal sa pagbabalik Manila ni Ellie: Naalala rin ang inang si Jaclyn

Andi, emosyonal sa pagbabalik Manila ni Ellie: Naalala rin ang inang si Jaclyn

- Naibahagi ni Andi Eigenmann ang pamamalagi ng kanyang panganay na anak na si Ellie sa Maynia

- Ito ay para makaranas na makapag-regular school muli ito na si Ellie mismo ang may gusto

- Hindi naman kumontra rito si Andi ngunit nakaramdam ng lungkot

- Isa sa dahilan ay ang pagkakawalay nito sa anak at ang pagkakataon sanang makasama nang mas matagal ni Ellie ang lolang si Jaclyn, ngunit matatandaang pumanaw na ito

Nagbigay ng pahayag si Andi Eigenmann hinggil sa pagbalik ng kanyang anak na si Ellie sa Maynila para mag-aral sa regular school.

Andi, emosyonal sa pananatili ni Ellie sa Maynila para mag-aral: Naalala rin ang inang si Jaclyn
Andi, emosyonal sa pananatili ni Ellie sa Maynila para mag-aral: Naalala rin ang inang si Jaclyn (Happy Islanders)
Source: Youtube

"Ellie's going to be going to Manila, she's going to be staying with her dad because she wants to try going back to regular school. I know that she'll be in good hands with our family there and her dad," naluluhang nasabi ni Andi.

Read also

Chloe San Jose, nagpaunlak ng maiksing panayam sa ilang press people

Ipinahayag din niya ang kalungkutan na hindi na nahintay ng kanyang inang si Jaclyn Jose ang pagkakataong ito na mas makasama sana nito si Ellie sa mas mahabang panahon.

"It was really exciting for her to come to Manila and hopefully be able to spend more time with my mom. So it's sad that she didn't get to wait for Ellie to come and be able to spend more time with her"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, nagbigay siya ng kumpiyansa na magiging maayos ang kalagayan ng anak dahil sa pangangalaga ng kanilang pamilya sa Maynila at ng pamilya rin ng ama nitong si Jake Ejercito.

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Andi mula sa kanilang YouTube channel na Happy Islanders:

Si Ellie ay ang anak nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito. Matatandaang madalas na kagiliwan ng netizens ang JEllie convos ng mag-ama na animo'y magtropa lamang sa tuwing sila'y nagkukulitan.

Read also

Anne Curtis, kinaaliwan ng netizens dahil sa viral post tungkol sa tutubi

Samantala, si Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.) Ngayon, isa sa mga proyektong kinabilangan ni Jake ang 'Linlang' at 'Can't Buy Me Love'

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nabanggit ni Jake na thankful umano siya kay Philmar Alipayo na bilang stepdad ng kanyang anak na si Ellie. Alam niyang inaalagaan din umano ni Philmar ang kanyang anak. Wala rin umanong reklamo si Ellie pagdating sa kanyang stepdad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica