Rosmar Tan, nakiusap na huwag tanggalin sa trabaho ang asst. Manager ng isang resto

Rosmar Tan, nakiusap na huwag tanggalin sa trabaho ang asst. Manager ng isang resto

- Ibinahagi ni Rosmar ang kanyang panig matapos na maglabas na ng pahayag ang Lola Ote Restaurant

- Nilinaw pa ni rosmar na mababait umano ang staff doon na panay umano ang sorry

- Sa kabila ng pangyayari, pakiusap pa rin ni Rosmar na huwag sana umanong matanggal sa trabaho ang naturang assistant manager

- Tulad kasi ng maraming Pilipino, maaring mayroon din itong pamilyang binubuhay o sinusuportahan

Isang malaking pasasalamat ang ipinahayag ni Rosmar Tan Pamulaklakin sa Lola Ote Restaurant dahil sa kanilang maagap na pagtugon sa isang hindi inaasahang insidente.

Rosmar Tan, nakiusap na huwag tanggalin sa trabaho ang asst. Manager ng isang resto
Rosmar Tan, nakiusap na huwag tanggalin sa trabaho ang asst. Manager ng isang resto (Rosemarie Tan Pamulaklakin)
Source: Facebook

Ayon kay Rosmar, ang mga staff ng restawran, bagaman hindi direktang kasali sa insidente, ay nagbigay ng taos-pusong paghingi ng tawad at pagpapakita ng malasakit.

Sa kabila ng hindi pagkakaintindihan, binigyang-diin ni Rosmar na ang lahat ng tao ay nagkakamali at walang sinuman ang nasa posisyon na hindi magpatawad. Sa kanyang pagtanggap ng paumanhin, hiniling niyang huwag tanggalin sa trabaho ang Assistant Manager na sangkot, kundi ilipat na lamang ito sa ibang branch o maaring bigyan ng ibang posisyon.

Read also

Candy Pangilinan, kinailangang mag-isolate dahil tinamaan siya ng shingles

Ang ganitong hakbang ay isinagawa upang matiyak ang kapakanan ng mga nagtatrabaho sa restawran, lalo na't may pamilya rin ang Assistant Manager na umaasa sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Magsilbing mahalagang aral ang insidenteng ito para sa lahat na kasangkot, at nagbigay-diin sa kahalagahan ng komunikasyon at pagpapahalaga sa isa't isa sa loob ng isang organisasyon.

Magsilbing mahalagang aral ang insidenteng itopara sa lahat na kasangkot, at nagbigay-diin sa kahalagahan ng komunikasyon at pagpapahalaga sa isa't isa sa loob ng isang organisasyon.

Ang Lola Ote Restaurant ay patuloy na nagpapakita ng dedikasyon sa kanilang serbisyo at pag-aalaga sa kanilang mga customer at empleyado.

Narito ang kabuuan ng post:

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan Pamulaklakin ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na noong kasagsagan ng pandemya.

Read also

Andrea Brillantes, inaming nag-alangan noon na maglabas ng perfume line

Isa na siya sa mga kilalang CEO ng sarili niyang brand at habang parami nang parami ang tumatangkilik sa kanya, dumarami rin ang mga produktong naihahain niya sa kanyang mga supporters.

Naging usap-usapan muli si Rosmar matapos nitong bigyan ng blessings ang social media personality na si Diwata. Sinasabing nasa milyon-milyon ang halaga ng lahat ng naibahagi ni Rosmar kay Diwata. At sa kabila umano ng mga kontrobersiyang kanilang kinakaharap, patuloy pa rin siyang tumutulong sa mga nangangailangan.

Kamakailan, nagkaroon ng pagkakataong makapanayam ni Ogie Diaz sina Rosmar at Rendon Labador ng Team Malakas. Doon, naidetalye ni Rosmar ang mga isyung kinaharap nila sa pagiging persona non grata nila sa Palawan. Paglilinaw ni Rosmar, tatlong araw umano silang nagkaroon ng charity sa naturang lugar at marami talaga umanong biyaya ang naipamahagi sa loob ng nasabing panahon.Hindi nila inasahan ang dami at dagsa ng tao sa huling araw kung saan sa mismong lugar na sila namili ng mga ipamimigay. Dito nagkaroon umano ng masasabing aberya gayung marami ang umasang mabibigyan subalit hindi nakakuha.Ito ang naging dahilan sa post ng sinasabing staff ng munisipyo na nagresulta sa nag-viral na komprontasyon na nai-post mismo ni Rendon.

Read also

Sen. Jinggoy Estrada, nagpaliwanag tungkol sa "Porke senador kayo" video

Gayunpaman, inamin niyang pinagsisishan ang nangyari na noong napanood mismo ang kanilang video, mas lalo niyang naisip na tila mali ang kanyang naging reaksyon sa mga oras na iyon. Hiling din niyang mabigyan pa sila ng chance na makabalik sa Palawan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica