Joel Lamangan, umamin daw kay Jobert Sucaldito na sya ang pinaparinggan ni Ahron Villena

Joel Lamangan, umamin daw kay Jobert Sucaldito na sya ang pinaparinggan ni Ahron Villena

- Pinabulaanan daw ni Direk Joel Lamangan na sa kanya ang Facebook post bilang sagot sa akusasyon ni Ahron Villena

- Sinabi ni Direk Joel na ginawa niya ang paglagay ng plaster upang protektahan si Ahron

- Ayon kay Ahron, tatlong beses nadaplisan ang kanyang pribadong bahagi habang nilalagyan siya ng plaster

- Iginiit naman daw ni Direk Joel na wala siyang anumang intensyon na tsansingan si Ahron

Sa isang episode ng "Oras ng Opinyon, Talakayan at Diskusyon" o "OOTD" na mapapanood sa YouTube, ibinahagi ni Jobert Sucaldito na personal niyang tinawagan si Direk Joel upang tanungin ang tungkol sa akusasyon ni Ahron. "Kinumpirma niya (Direk Joel) na siya nga ang tinutukoy ni Ahron," ayon kay Jobert.

Joel Lamangan, umamin daw kay Jobert Sucaldito na sya ang pinaparinggan ni Ahron Villena
Joel Lamangan, umamin daw kay Jobert Sucaldito na sya ang pinaparinggan ni Ahron Villena
Source: Facebook

Ipinaliwanag daw ni Direk Joel sa ang dahilan kung bakit siya na ang naglagay ng plaster. Ito raw ay upang masigurong hindi ito matatanggal, lalo na’t may maselang eksena kasama ang aktres na si Lovi Poe.

Read also

Darryl Yap, gusto daw i-tag si Direk Joel Lamangan sa post ni Ahron Villena

Ayon pa raw kay Direk Joel, ginawa niya ito upang protektahan si Ahron mula sa posibleng pagpapakalat ng maling impormasyon na maaring gawin ng make-up artist. Iginiit pa ng direktor na wala siyang intensyon na gawin ang anumang hindi nararapat at ang kanyang aksyon ay walang anumang malisya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Joel Lamangan ay isang kilalang film at TV director, aktor, at scriptwriter sa Pilipinas. Isa siya sa mga pinakarespetadong direktor sa industriya ng pelikula at telebisyon, na kilala sa kanyang mga obra maestrang may malalim na panlipunang komentaryo. Ilan sa mga tanyag na pelikula na kanyang idinirehe ay The Flor Contemplacion Story (1995), Mano Po (2002), at Blue Moon (2006). Kilala si Lamangan sa kanyang husay sa paghawak ng mga dramang may mabibigat na tema, at madalas niyang isinasalamin sa kanyang mga gawa ang mga isyu sa lipunan at politika.

Read also

Writer-director na si Ronaldo Carballo, dinepensahan si Joel Lamangan

Naikwento ni Direk Joel kung paano niya napaiyak noon ang aktres na si Marjorie Barretto. Aniya, para umano ito sa isang eksena kung saan nahirapang umiyak noon ang aktres/ Aminado siyang napagalitan niya ito dahilan para tuluyan nang maiyak si Marjorie. Sa ngayon, isa sa kinagigiliwan sa 'FPJ's Batang Quiapo' ang karakter ni Joel bilang si Roda.

Marami ang naaaliw sa karakter na ginagampanan ni Direk Joel sa Batang Quiapo. Maging siya ay nagtataka gayung aminado siyang salbahe ang karakter niya sa serye. Naikwento niyang maging ang mga bata ay kilala siya at tinatawag siyang 'Roda.'

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate