Anne Curtis, kinaaliwan ng netizens dahil sa viral post tungkol sa tutubi

Anne Curtis, kinaaliwan ng netizens dahil sa viral post tungkol sa tutubi

- Kumalap ng samu't saring hirit mula sa mga netizens ang social media post ni Anne Curtis tungkol sa tutubi

- Nagbiro ang isang Facebook user na "Tutubi with lots of cheese" bilang sagot sa tanong ni Anne

- Isa pang netizen ang nagkomento ng "Bee as in Tutubi" na nagdulot ng aliw sa marami

- Matatandaang na-mistranslate ni Anne ang idiom na "Busy as a bee" noong 2019 na muling pinagtawanan ng netizens

Nagdulot ng samu't saring hirit mula sa mga netizens ang isang social media post ng TV host na si Anne Curtis, kung saan ibinahagi niya ang larawan ng isang tutubi o dragonfly. Sa kanyang caption, pabirong tinanong ni Anne, "Ang English ng tutubi ay," na agad namang umani ng nakakatuwang komento mula sa kanyang mga followers.

Anne Curtis, kinaaliwan ng netizens dahil sa viral post tungkol sa tutubi
Anne Curtis, kinaaliwan ng netizens dahil sa viral post tungkol sa tutubi
Source: Instagram

Isang Facebook user ang nagbiro ng, "Tutubi with lots of cheese," na agad pumatok sa mga netizens. Sinundan naman ito ng isa pang komento na nagsabing, "Bee as in Tutubi," na lalo pang nagpasaya sa mga nakakabasa.

Read also

Direk Joel Lamangan, nagsalita tungkol sa kumalat na post daw niya

Matatandaang noong 2019, na-mistranslate ni Anne ang salitang "bee" mula sa English idiom na "Busy as a bee" sa "Mr. Q and A" segment ng "It's Showtime," na siyang naging dahilan ng patuloy na pang-aasar at pang-aaliw ng netizens sa kanya. Ang naturang pagkakamali ay tila nagbalik-tanaw sa isipan ng kanyang mga tagasubaybay, na ngayon ay muling nakatuwaan si Anne dahil sa kanyang bagong post.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Anne Curtis Smith- Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dahlia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Read also

Lovely Abella at Benj Manalo, kumita ng P5M monthly sa live selling, pero dumaan sa matinding pagsubok

Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwan, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwan na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate