Cass ng PBB Season 1, ibinahagi ang pagdating ni Sam Milby sa kanilang reunion

Cass ng PBB Season 1, ibinahagi ang pagdating ni Sam Milby sa kanilang reunion

- Ibinahagi ni Cassandra Ponti ang pagdating ni Sam Milby sa kanilang reunion

- Nagkita-kita ang PBB Season 1 housemates na nagdiwang ng kanilang 19th anniversary

- Matatandaang sina Sam Milby at Jason Gainza ay bahagi nito

- Nasa reunion din ang kauna-unanag PBB winner na si Nene Tamayo

Ibinahagi ng PBB Season 1 big 4 na si Cassandra Ponti ang kaganapan nang dumating si Sam Milby sa kanilang reunion.

Cass ng PBB Season 1, ibinahagi ang pagdating ni Sam Milby sa kanilang reunion
Cass ng PBB Season 1, ibinahagi ang pagdating ni Sam Milby sa kanilang reunion (@cassandrapo)
Source: Instagram

19th anniversary na ng kauna-unahang season ng Pinoy Big Brother kaya naman nagsama-sama ang ilan sa kanila.

Sa video, makikitang sumipot si Sam sa simpleng salo-salo ng pinakaunang mga naging housemates ni Kuya na sina Cassandra Ponti, Say Alonzo, Racquel Acosta, Chix Alcala, Jason Gainza, ang aktor na si Jason Gainza at ang kanilang big winner na si Nene Tamayo.

Maririnig ang sigawan nang dumating si Sam na isa-isang yumakap sa kanyang kapwa naging housemates ni kuya.

Read also

Jennylyn Mercado kay Dennis Trillo sa bagong TikTok nito: "Humanda ka sa akin pag uwi ko!"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, sa isang hiwalay na video ipinaliwanag ni Say na mayroon talagang group chat silang mga housemates ng PBB season 1. Subalit, ilan sa kanila ay nasa ibang bansa na at ang iba ay abala na rin sa kanya-kanyang buhay.

Kaya naman sa 13 na orihinal na housemates ay 7 lang silang nakadalo sa kanilang reunion.

Narito ang kabuuan ng video:

Ang Pinoy Big Brother ay isa sa popular na reality show ng ABS-CBN na nagsimula noong 2005. 13 na mga housemates ang nanatili sa bahay ni kuya subalit apat lamang ang natira upang masungkit ang pagiging isang big winner. Si Nene Tamayo ang kauna-unahang big winner ng PBB.

Samantala, ilan sa mga big winners din ang namamayagpag ngayon sa showbiz tulad nina Kim Chiu na kauna-unahang big winner ng teen edition. Matatandaang kasama rin niya roon si Gerald Anderson. Gayundin si Melai Cantiveros na big winner ng PBB double-up kung saan nakasama niya ang kanya ngayong mister na si Jayson Francisco. Ilan pang big winners na pinalad sa showbiz ay sina James Reid, Maymay Entrata at Daniel Matsunaga.

Read also

Teaser ng umano'y bagong serye na kinabibilangan ni Daniel Padilla, agaw-pansin

Bagama't hindi naging big winner, marami rin ngayong showbiz personality ang naunang namayagpag sa PBB. Ilan sa kanila ay sina Maris Racal, Loisa Andalio, Heaven Peralejo, Matt Evans, Beauty Gonzales, Robi Domingo, Barbie Imperial, Elisse Joson, Ryan Bang, Yen Santos, Jane Oineza at maging si Joshua Garcia.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica