Ogie Alcasid, emosyonal nang purihin at ipagtanggol ni Regine

Ogie Alcasid, emosyonal nang purihin at ipagtanggol ni Regine

- Halos maluha si Ogie Alcasid sa mensaheng ibinahagi ng kanyang misis na si Regine Velasquez sa It's Showtime

- Isa na rito ang umano'y paglilinaw ni Regine na walang katotohanan ang lumalabas na hiwalayan umano nila

- Katunayan, proud umano si Regine sa mga patuloy na nagagawa ng kanyang mister

- Nabanggit din kasi ni Regine ang mga bagay na pinagkakabalahan ni Ogie bukod sa pagiging bahagi nito ng It's Showtime

Emosyonal at halos maluha si Ogie Alcasid sa birthday message sa kanya ng misis na si Regine Velasquez.

Ogie Alcasid, emosyonal sa pagtatanggol sa kanila ni Regine
Ogie Alcasid, emosyonal sa pagtatanggol sa kanila ni Regine (@ogiealcasid)
Source: Facebook

Nasabi ni Regine kung gaano kabuting asawa si Ogie na hanggang ngayon ay kinakikitaan niya ng kasipagan sa industriyang kinabibilangan nila.

"Ako gusto ko lang maging successful lahat ng ginagawa niyang projects for other people. Kasi as a producer siya," ani Regine na inilahad ang mga paparating na shows kung saan producer ang kanyang mister.

Read also

Regine, may mensahe sa umano'y nagpapakalat na hiwalay na sila ni Ogie

"Ang prayers ko sana hindi siya mapagod dahil ang ang daming ginagawa. Meron siyang everyday, nagpo-produce pa siya. And then he continues to write songs, he continues to reinvent his songs... He continues to reinvent himself," dagdag pa ni Regine.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Honey, I'm very very proud of you and you know that. I'm very proud and I'm very proud of the work that you do. Congratulations Mahal. I love you very much."

Sinamantala rin ni Regine ang pagkakataong linawin ang mga kumakalat umanong fake news na hiwalay na sila ni Ogie.

"By the way, gusto ko lang semplakin yung nagsasabi na naghiwalay kami. Maghintay ka diyan ah... Kasi alam niyo mga kaibigan as you all know, marriage is difficult. Marriage is already difficult the way it is. Pero 'yung may mga tao pa who's trying to make it more difficult for us, hindi po 'yun maganda. Parang pinapanalangin niyo na magkahiwalay kami"

Read also

Teaser ng umano'y bagong serye na kinabibilangan ni Daniel Padilla, agaw-pansin

"So please kung may makita kayong anything, mga writeups, please 'wag niyong paniwalaan. Nakikita niyo naman kami sa aming mga social media and we are very close. He's my best friend. I hope I'm his best friend too."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa ABS-CBN News at It's Showtime:

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Masaya ang mga fans ni Regine gayung araw-araw nila itong napapanood sa Magandang Buhay kasama nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros-Francisco. Matatandaang sa programa nilang ito unang natawag ni Regine si Melai bilang 'Asia's comedy queen'.

Matatandaang inamin ni Regine na siya umano'y nahihiya nang mabalitaang mayroon umanong petisyon na gawin siyang national artist. Aniya, marami pa umanong nararapat na mauna nitong bigyan at hiling niyang maigawad ito habang nabubuhay pa ang mga taong natukoy niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica