Ogie Alcasid, umalma sa fake news tungkol sa pagsasama nila ni Regine Velasquez

Ogie Alcasid, umalma sa fake news tungkol sa pagsasama nila ni Regine Velasquez

- Umalma si Ogie Alcasid sa kumakalat na fake news tungkol sa kanilang pagsasama ni Regine Velasquez

- Nanawagan si Ogie sa publiko na i-report ang Facebook account na nagpakalat ng maling balita

- Ikinalulungkot ni Ogie ang paggawa ng kwento tungkol sa umano’y paghihiwalay nila ng asawa

- Noong Marso, binalaan ni Ogie ang netizens tungkol sa isang fake news na nagsasabing magkakaroon sila ng concert sa Dubai

Umalma ang OPM singer-songwriter na si Ogie Alcasid sa kumakalat na fake news tungkol sa kanyang pagsasama ng asawang si Regine Velasquez, na kilala rin bilang Asia's Songbird. Ayon kay Ogie, ikinalulungkot niya na may isang Facebook account na nagpakalat ng maling balita na nagsasabing hiwalay na sila ng kanyang asawa.

Ogie Alcasid, umalma sa fake news tungkol sa kanila ni Regine Velasquez
Ogie Alcasid, umalma sa fake news tungkol sa kanila ni Regine Velasquez
Source: Instagram

Sa pamamagitan ng isang post sa Threads, nanawagan si Ogie sa publiko na i-report ang naturang account na gumawa ng video tungkol sa umano'y paghihiwalay nila ni Regine.

Read also

Sandro Muhlach, naglakas-loob na ikwento ang umano'y naranasang pang-aabuso

"Ang post na ito ay ipinadala sa akin. Nakakalungkot na ang may-ari ng account na ito ay nagkakalat ng mga tsismis tungkol sa aming kasal na napakahalaga para sa akin at sa aking asawa, at gumagawa ng mga kwento tungkol sa diumano'y paghihiwalay namin. I-report po natin ito," ani ni Ogie sa kanyang caption.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging biktima si Ogie ng fake news. Noong Marso, nagbabala rin ang It's Showtime host sa mga netizens na huwag maniwala sa isang anunsyo na nagsasabing magkakaroon sila ng concert ni Regine sa Dubai sa nasabing buwan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Guys, this is fake news!! Ito ay isang tunay na concert noong 2014 pero may nag-repost nito. Wala kaming concert sa Dubai. Pls po wag kayo magpaloko. God bless everyone!" ani ni Ogie sa kanyang Instagram post.

Read also

Juliana, may payo kay Diwata: "dapat hindi natin ipinagdadamot ang isang simpleng ngiti"

Ogie Alcasid, umalma sa fake news tungkol sa kanila ni Regine Velasquez
Ogie Alcasid, umalma sa fake news tungkol sa kanila ni Regine Velasquez
Source: Instagram

Ibinahagi ni Ogie ang kanyang pagkadismaya sa patuloy na pagkalat ng mga maling impormasyon at muling nanawagan sa kanyang mga tagahanga na maging mapanuri sa mga nababasa online.

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Matatandaang kinaaliwan din ang biro ni Regine na kunwari ay nakikiusyuso kay Francine Diaz. Ito ay noong kasagsagan ng isyu tungkol sa kanila ni Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Naging bahagi na din si Regine ng talk show na Magandang Buhay. Kinaaliwan ang kanyang post kung saan nawindang siya nang mapansing naka-tsinelas lamang siya nang pumunta siya sa taping.

Matapos mag-viral ang pagbabalik-tanaw ni Regine kaugnay sa nangyari bago sila nagkatuluyan ni Ogie Alcasid, naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y kanyang nasaksihan. Hindi lang umano isang beses nasangkot si Regine sa isyu ng pagiging 3rd party sa isang relasyon. Muling binalikan ni Nanay Cristy ang pagkasangkot niya sa relasyong Gelli de Bellen at Ariel Rivera. Nasangkot din umano si Regine sa relasyong Bing Loyzaga at Janno Gibbs kahit kasal na ang mag-asawa noong mga panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate