Lie Reposposa, nagbahagi ng nakaka-inspire na mensahe tungkol sa naging pagbabago sa buhay niya

Lie Reposposa, nagbahagi ng nakaka-inspire na mensahe tungkol sa naging pagbabago sa buhay niya

- Ibinahagi ni Lie Reposposa ang kanyang bagong bahay sa social media

- Pangarap ni Lie mula pagkabata na magkaroon ng sariling tahanan

- Nag-post din siya ng larawan ng kanyang dating simpleng tirahan

- Inspirasyon ang kwento ni Lie sa maraming netizens na patuloy na nangangarap

Ibinahagi ni Lie Reposposa, dating housemate ng Pinoy Big Brother, ang kanyang inspiring na kwento ng tagumpay sa pamamagitan ng social media. Sa kanyang post, sinabi ni Lie na matagal na niyang pinapangarap ang magkaroon ng sariling bahay, at ngayon, sa edad na 20, natupad na niya ang pangarap na ito.

Lie Reposposa, nagbahagi ng nakaka-inspire na mensahe tungkol sa naging pagbabago sa buhay niya
Lie Reposposa, nagbahagi ng nakaka-inspire na mensahe tungkol sa naging pagbabago sa buhay niya
Source: Facebook

Ayon kay Lie, naging "obsession" na niya ang pagkakaroon ng sariling tahanan upang mas mapaunlad pa ang buhay ng kanyang pamilya. "20 years old palang ako pero obsession ko na talaga ang magkaroon ng sariling bahay at mas mapa-improve pa ang aming buhay," saad niya sa caption ng kanyang post na kalakip ang mga larawan ng kanyang bagong bahay.

Read also

Chloe San Jose, nagpost ng pictures nya na kuha sa condo ni Carlos Yulo

Kasabay nito, nagbahagi rin si Lie ng larawan ng kanyang dating tahanan, isang simpleng bahay na walang maayos na bubong, kuryente, at gripo. Ayon sa kanya, kahit salat sa materyal na bagay, masaya pa rin ang kanilang pamilya noon. "Grateful ako na dito ako lumaki dahil mas naging madiskarte ako sa buhay," ani Lie, habang ibinahagi ang mga masasayang alaala at karanasan mula sa kanyang simpleng kabataan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang kanyang kwento ay nagsilbing inspirasyon sa maraming netizens na patuloy na nangangarap at nagsusumikap upang mabago ang kanilang buhay.

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa Pinoy Big Brother kung saan napabilang siya sa mga finalist matapos niyang hiranging isa sa nanalo sa kanilang batch.

Read also

Angelica Yulo, naging maingat sa sagot sa tanong na may kaugnayan sa anak

Nabahala si Lie sa labis na paglalagas ng kanyang buhok at humingi ng payo mula sa netizens. Ibinahagi ni Lie na kita na ang kanyang anit at pinag-iisipan na niyang magpakalbo dahil sa sitwasyon. Hindi na raw niya alam kung normal pa ang dami ng buhok na nalalagas tuwing siya ay magsuklay. Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, nagpahayag si Lie na patuloy siyang lumalaban sa gitna ng kanyang pagkakasakit.

Ipinakita ni Lie ang larawan na ini-upload ng isang basher mula sa ibang bansa na may edited na mukha. Nakasaad sa caption ng post ang malisyosong mensahe na kapag isinalin sa English ay, “How are you going to ruin genetics like that, so fat." Sinabi ni Angelie na edited ang kanyang mukha sa larawan at hindi ito tunay. Nagdulot ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang insidenteng ito at nagpahayag si Angelie ng kanyang pagkadismaya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate