Sophia Angela Asisitio, nagpakitang-gilas sa pagkanta sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan

Sophia Angela Asisitio, nagpakitang-gilas sa pagkanta sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan

- Pinasilip ni Julius Babao sa kanyang vlog ang naging pagdiriwang ng kaarawan ni Sophia Angela Asistio

- Siya ang anak ni Nadia Montenegro at ng actor na si Baron Geisler

- Hindi pinagkailan ni Nadia na gusto daw ni Sophia na mag-artista din kagaya niya

- Gayunpaman, dahil sa mga nangyari ay hindi daw muna ito pumasok sa showbiz

Pinasilip ni Julius Babao sa kanyang vlog ang naging masayang pagdiriwang ng 18th birthday ni Sophia Angela Asistio, ang anak nina Nadia Montenegro at aktor na si Baron Geisler. Sa nasabing pagdiriwang, ipinakita ni Sophia ang kanyang talento sa pagkanta, na ikinamangha ng mga bisita.

Sophia Angela Asisitio, nagpakitang-gila sa pagkanta sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan
Sophia Angela Asisitio, nagpakitang-gila sa pagkanta sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan
Source: Instagram

Hindi ipinagkaila ni Nadia na matagal nang nais ni Sophia na sundan ang kanyang yapak sa pag-aartista. Gayunpaman, dahil sa ilang personal na kadahilanan, hindi muna pumasok si Sophia sa showbiz. Pero ngayon na nasa tamang edad na ang kanyang anak, hindi na raw ito pipigilan ni Nadia sa nais nitong tahakin.

Read also

Cynthia Carrion, binahagi ang naging plano ni Chloe San Jose na family dinner

Sa kanyang 18th birthday celebration, hindi lang ang kanyang boses ang nagpakita ng kanyang potensyal sa pag-aartista, kundi pati na rin ang kanyang karisma at galing sa pag-perform. Ayon kina Julius at Tintin Babao, malaki ang posibilidad na si Sophia ay maging isang matagumpay na artista tulad ng kanyang mga magulang.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Nadia Montenegro ay isang aktres na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga pelikula kagaya ng bulong Mo Sa Diyos, Prinsesang Gusgusin, Taray at Teroy at Stupid Cupid. Anak niya kay Boy Asistio ang aktres na si Ynna Asistio.

Noong 2022, matatandaang hindi napigilan ni Nadia na maglabas ng saloobin matapos malamang nalimas ang pera ng kanyang nanay sa isang Membership-only retail warehouse club chain. Pitong katao umano ang nagkumpulan upang makuha ang mga card ng kanyang ina sa loob lamang ng 3 minuto. Nakatakas umano ang mga tumangay sa card ng nanay niya at nalimas ang P130,000 ng kanyang ina. Ani Nadia, napatawad niya na ang mga gumawa nito sa kanyang ina ngunit kailangan harapin ng mga ito ang kahihinatnan ng kanilang ginawa.

Hindi tinigilan ni Nadia na maaksyonan ang nangyari sa kanyang ina habang namimili ito sa isang Membership-only retail warehouse club chain. Matapos niyang ibahagi sa social media ang karanasan ng kanyang ina, marami din umano ang mga nagpadala ng mensahe sa kanya. Ang mga mensahe ay tungkol sa kanilang mga karanasan kagaya sa nangyari sa ina ng aktres na pagkumpulan ng isang grupo ng mga tao. Ani Nadia, kailangan maaksiyonan na ang mga nangyayari dahil nakakabahala na marami na pala ang nabibiktima ng ganoong modus.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate