Juliana, may payo kay Diwata: "dapat hindi natin ipinagdadamot ang isang simpleng ngiti"

Juliana, may payo kay Diwata: "dapat hindi natin ipinagdadamot ang isang simpleng ngiti"

- Nagbigay ng payo si Juliana Parizcova kay Diwata

- Ito ay matapos na muling mag-viral ang isang video kung saan hindi tumingin si Diwata habang nagpapakuha ng larawan ang ilang customer ng kanyang paresan

- Ani Juliana, naunawaan niyang maaring pagod at nagpapahinga noon si Diwata

- Subalit may paalala ito kay Diwata lalo na umano at patungkol sa kanilang mukha

Nagbigay ng kanyang payo ang dating Miss Q&A ng It's Showtime na si Juliana Parizcova Segovia kay Diwata.

Juliana, may payo kay Diwata: "Siguro naman 'di kasing mahal ng pares mo 'yung ngiti mo 'di ba?"
Juliana, may payo kay Diwata: "Siguro naman 'di kasing mahal ng pares mo 'yung ngiti mo 'di ba?" (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Youtube

Ito ay matapos na muling mag-viral nito dahil sa hindi niya pagtingin habang may mga nagpapa-picture sa kanya na dumayo pa umano mula sa ibang lugar.

Sa Ogie Diaz Showbiz Update, ibinahagi ang naging pahayag ni Juliana ukol dito.

"For me, parang paulit-ulit nalang 'yung isyung ibinabato kay Diwata na laging masungit, ayaw magpa-picture, laging bad trip," panimula ni Juliana

Read also

Sandro Muhlach, naglakas-loob na ikwento ang umano'y naranasang pang-aabuso

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Well Diwata, ito lang ang maipapayo ko sa'yo. 'Nung ako nagsisimula ako sa industriya nakinig din naman ako sa mga beterano, sa mga nauna sa akin. At one time, nag-guest ako sa Home Sweetie Home. First time ko ma-meet si Mama Ogie Diaz. At isa talaga sa mga tumatak sa akin na pinayo niya 'yung mga ganitong klaseng mukha, eto mismo yung mga ganitong klase ng mukha, dapat lagi 'yang nakangiti. Regardless kung anumang estado sa buhay ng mga nakakasalamuha natin, nakikilala natin, nakakatrabaho natin. Kailangan lagi itong nakangiti," giit ni Juliana.

"Kasi yung ganitong mukha natin, laging namimisinterpret kung masaya ba tayo, o hindi. Kaya kailangan lagi tayong naka-smile. Kasi kahit deep inside, masaya tayo pero hindi nagre-react 'yung mukha mo, hindi ka talaga nila maiintindihan,"dagdag pa niya.

Read also

Nora Aunor, idinetalye paano siya nawalan ng boses: "Para bang sinadya"

Naiintindihan din umano ni Juliana na maraming ginagawa si Diwata gayung hands-on ito sa kanyang negosyo at maaring nang panahong iyon na may nagpakuha ng larawan ay oras ng kanyang pahinga. Subalit mayroon ding mungkahi si Juliana ukol dito.

"Kung gusto mong magpahinga, magpahinga ka doon sa lugar na hindi ka maiistorbo, hindi ka maabala. Kasi yung pinuwestuhan mo, daanan talaga siya ng customer mo, meron at merong makakakita sa iyo, may tendency talagang magpapa-picture talaga sa'yo. At kung hindi mo maibibgiay sa kanila 'yun, simpleng ngiti, simpleng pasasalamat gesture na naa-appreciate mo sila, makakasakit ka lang din ng damdamin."

"Siguro naman, hindi kasing mahal ng pares mo 'yung ngiti mo 'di ba?Kailangan smile lang tayo lagi Diwata. Mga ganitong hindi tayo kagandahan dapat hindi natin ipinagdadamot ang isang simpleng ngiti," ayon pa kay Juliana.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.

Read also

Ogie Diaz: "Ang importante, hindi po ako nag-iimbento ng balita"

Matatandaang, masayang tinanggap ni Diwata ang Most sensational media personality of the year ng Gawad Dangal Filipino Awards. Ayon kay Diwata, iyon na umano ang ikatlong award na kanyang natanggap sa buwan lamang ng Hunyo.

Bukod sa mga awards na nakamit, hindi rin nagpahuli si Diwata sa mga artistang naki-sagala sa Malabon. Bongga ang sinuot niyang gown at talagang makikinig na panay hiyawan ng kanyang pangalan ang maririnig, sa tuwing dadadaan na si Diwata.

Samantala, sa kabila ng pagiging abala sa mga branch ng kanyang Diwata Pares overload, bahagi pa rin si Diwata at patuloy pa rin siyang mapapanood sa Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. Kaya naman masasabing napaka-busy talaga ngayon ni Diwata na nadagdagan pa ang kanyang Pares Overload branch na mayroon na rin sa Quezon City. Matatandaang bongga ang naging grand opening nito kamakailan na dinaluhan ng ilang mga kilalang artista

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica