Albie Casiño, kinagiliwan sa mga larawan kasama ang kanyang mag-ina

Albie Casiño, kinagiliwan sa mga larawan kasama ang kanyang mag-ina

- Marami ang natuwa para kay Albie Casiño nang makitang kasama niya ang kanyang mag-ina sa Baguio

- Ang ilan, tila ikinagulat pa na mayroon nang anak si Albie

- Bukod sa kanyang mag-ina, kasama rin nina Albie ang kanyang mga magulang

- Isa sa mga pinakahuling naging proyekto ni Albie ang Can't buy me love bilang si "Charleston"

Kinagiliwan ng netizens ang mga larawan ni Albie Casiño kasama ang kanyang mag-ina. May ilang mga netizens pa nga ang tila nagulat na mayroon na pala umanong anak si Albie.

Albie Casiño, kinagiliwan sa mga larawan kasama ang kanyang mag-ina
Albie Casiño, kinagiliwan sa mga larawan kasama ang kanyang mag-ina (Albie Casiño/ @realmichelina)
Source: Facebook

Sa Instagram post ng girlfriend ni Albie, makikita silang magnobyo gayundin ang kanilang supling.

Kasama rin nina Albie ang kanyang mga magulang sa bonding nila na ito sa Baguio.

Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Sen. Robin Padilla, nag-komento sa post ni Mariel Padilla na aniya ay 'may consent'

"Omg! may anak ka na nga pala Albie."
"So cute, they all look happy"
"Wow, beautiful and happy family"

Narito ang ilan sa kanilang mga larawan na ibahagi rin ng Kapamilya Online World:

Si Albie Casiño ay isang Filipino actor na dating naging kasintahan ni Andi Eigenmann. Siya ay naging bahagi ng Pinoy Big Brither Season 10 celebrity edition. Isa si Albie sa naging usap-usapan sa loob ng bahay ni Kuya dahil sa tila naging rebelasyon sa kanyang kondisyon.

Isa sa mga pinakahuling naging proyekto ni Albie ay ang Can't buy me love na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan. Hinangaan si Albie sa naturang serye sa pagganap niya bilang si Charleston Tiu.

Samantala, sa naging panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa YouTube channel nitong Toni Talks, isa sa mga napag-usapan nila ay ang maanghang na naging pahayag ni Albi. Aminadong sinadya niyang bitawan ang mga masasakit na salitang ito na labis naman niyang pinagsisishan gayung maging ang publiko ay na-offend sa kanyang mga nasabi.

Read also

Chloe San Jose, sinagot si Xian Gaza sa post nito tungkol sa occupational therapist ni Carlos Yulo

Doon, naitanong sa kanya ni Toni kung may galit pa ba siyang nararamdaman sa taong ito. "I dont' think mawawala na 'yon e. It's not there all the time. If someone brings her up to me, it's not good emotions that I'm thinking, it's not good feelings that I'm feeling," na pinaniniwalaan ng marami na patungkol umano sa dati nitong nakarelasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica