Ogie Diaz: "Ang importante, hindi po ako nag-iimbento ng balita"

Ogie Diaz: "Ang importante, hindi po ako nag-iimbento ng balita"

- Nagbigay komento si Ogie Diaz kaugnay sa umano'y tila kumikwestyon sa kanyang pagbabalita

- Ito ay kaugnay umano ng pagtatanong ng senado sa kung paano nalaman ni Ogie Diaz ang detalye ng kontrobersiya ni Sandro Muhlach

- Isa sa nabanggit ni Ogie ay ang pagakaroon umano niya ng sources

- Aniya, ang mahalaga ay hindi umano siya nag-iimbento lamang ng maibabalita

Naglabas ng kanyang saloobin si Ogie Diaz kaugnay sa tila pagkwestyon ng senado kung paanong nalaman niya ang mga detalye ng kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Sandro Muhlach at ng dalawa umanong contractor ng GMA.

Ogie Diaz: "Ang importante, hindi po ako nag-iimbento ng balita"
Ogie Diaz: "Ang importante, hindi po ako nag-iimbento ng balita" (Ogie Diaz/ @sandromuhlach)
Source: Instagram

Una sa nabanggit ni Ogie ay ang umano'y pagkakaroon niya ng sources at hindi niya umano inimbento lamang ang mga naibabalita sa kanyang showbiz channel.

"Syempre, may mga sources tayo. Hindi naman tayo pwedeng mag-imbento ng mga balita. e balita yan hindi ba? Syempre hindi dahil sa gusto nating makipag-unahan. Una, balita yan. Pangalawa, gusto ko e maimbestigahan ito. Gusto ko e mabigyan ng linaw 'yung isyu kay Sandro at malaman din ng mga tao ang saloobin ng dalawang independent contractor ng GMA7 na sina Jojo Nones at Richard Cruz," ani Ogie.

Read also

Carlos Yulo, may mensahe sa ama matapos niyang makita ito sa Heroes' parade

"Yung iba sinasabi na bakit daw ako nakikialam, bakit daw hindi ko hayaan yung pamilya na sila 'yung mag-announce mismo. Ano ho bang trabaho ko? Eexplain ko pa ba sa inyo? Sino bang aasahan nating magbabalita nito?"dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aniya, ang malinaw sa lahat ay hindi siya nag-iimbento lamang umano ng maibabalita.

"Ang importante, hindi po ako nag-iimbento ng balita. Hindi po ako basta gumagawa ng isyu na pag-aaway, awayin yung dalawang partido. E tayo ho ay nandito para humingi rin ng linaw kung magkakaroon ng linaw ito na papabor sa dalawang independent contractor, e 'di ibabalita natin dito. Si Sandro naman kung mapapatunayang nagsasabi ng totoo ay ibabalita rin natin dito."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Read also

Ivana Alawi, sa Batang Quiapo: "Ako mismo yung nagpaalam ng maayos"

Matatandaang si Ogie ang isa sa mga unang nagbalita ng tungkol sa umano'y isyu nina Sandro Muhlach at sa dalawang independent contractor ng GMA.

Sa isa sa mga episodes ng Ogie Diaz Showbiz Update, naibahagi ni Ogie na gusto na umanong dumulog ng biological mother ni Sandro Muhlach kay Senator Raffy Tulfo sa kasagsagan ng isyu. Sa ngayon, dinidinig na umano ito sa senado kung saan ang ama ni Sandro na si Niño Muhlach ang nagsampa ng reklamo at humaharap sa senado.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Hot: