Sen. Robin Padilla, nag-komento sa post ni Mariel Padilla na aniya ay 'may consent'

Sen. Robin Padilla, nag-komento sa post ni Mariel Padilla na aniya ay 'may consent'

- Sa gitna ng kontrobersiya ng kanyang paghingi ng paglilinaw ni Senator Robin Padilla nagpost ang misis niyang si Mariel Padilla

- Ito ay nang matalakay ang isang maselang isyu sa pagitan ng mag-asawa sa pagdinig ng Senado

- Sa kanyang post ay binahagi ni Mariel ang picture nilang mag-asawa na magkalapat ang mga labi kalakip ang caption na 'Oh may consent yan ah"

- Sa comment section naman ay sumagot si Sen. Robin at sinabing 'in heat' daw siya

Sa gitna ng kontrobersiyang bumabalot sa paghingi ng paglilinaw ni Senator Robin Padilla ukol maselang isyu sa pagitan ng mag-asawa sa isang pagdinig sa Senado, nagbahagi ng larawan ang kanyang misis na si Mariel Padilla na agad na umani ng atensyon sa social media. Sa nasabing post, makikita ang mag-asawa na magkalapat ang mga labi, kalakip ang caption na "Oh may consent yan ah," na tila may pagkakaugnay sa mga isyung napag-usapan kamakailan.

Read also

Geneva Cruz, bumalik sa pag-aaral: "There's no such thing as being too late"

Sen. Robin Padilla, nag-komento sa post ni Mariel Padilla na aniya ay 'may consent'
Sen. Robin Padilla, nag-komento sa post ni Mariel Padilla na aniya ay 'may consent'
Source: Instagram

Hindi nagtagal ay nagkomento rin si Sen. Robin sa naturang post ni Mariel. Sa kanyang biro, sinabi niyang "In heat" daw siya, na sinagot din ni Mariel ng 'its a tie… i’m feeling hot hot hot.'

Marami ang nakapansin na ang naturang palitan ng mag-asawa sa social media ay tila may kaugnayan sa kontrobersiyang kinakaharap ni Sen. Robin sa Senado.

Ang social media post na ito ni Mariel ay tila naging paraan upang ipahayag ang kanilang saloobin bilang mag-asawa sa usaping ito. Marami ang nagbigay ng iba't ibang interpretasyon sa post at komento ni Sen. Robin, lalo na’t sensitibo ang isyu na tinatalakay sa Senado.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Read also

Carlos Yulo, may mensahe sa ama matapos niyang makita ito sa Heroes' parade

Matatandaang nagbahagi ng picture si Mariel sa kanyang Instagram feed. Ito ay ang picture niya kasama ang kanyang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela. Marami ang humanga at nakapansin sa kagandahan ng mag-iina kaya naman, marami ang nagkomento sa naturang post ni Mariel.

Nagbigay naman ng babala si Mariel kaugnay sa fake account na nagkukunwaring siya. Sa binahaging screenshot ni Mariel, makikita na ang tinutukoy niyang fake account ay may handle na @marieltpadilla_. Dinagdagan lamang ng underscore ang dulo ng username kaya marami ang maaring maniwalang pagmamay-ari iyon ni Mariel. Makikita sa profile ng fake account na nang-eengganyo ito bilhin ang mga produktong tinitinda niya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate