Jessy Mendiola, sinupalpal ang basher na nagkomento tungkol sa eyebags ni Rosie

Jessy Mendiola, sinupalpal ang basher na nagkomento tungkol sa eyebags ni Rosie

- Sinagot ni Jessy Mendiola ang isang basher na nagkomento tungkol sa eyebags ng anak niyang si Rosie

- Ipinaliwanag ni Jessy na likas sa kanilang pamilya ang pagkakaroon ng eyebags dahil siya ay may dugong Lebanese

- Hinimok ni Jessy ang netizen na maghinay-hinay sa pagbibitaw ng masasakit na salita lalo na sa mga bata

- Umani ng suporta si Jessy mula sa kanyang mga tagahanga matapos ang kanyang matapang na sagot

Hindi pinalampas ng Kapamilya actress na si Jessy Mendiola ang isang mapanlait na komento mula sa netizen tungkol sa kanyang anak na si Rosie. Ang naturang komento ay agad kumalat online matapos itong i-post ng isang netizen sa comment section ng isang artikulo mula sa Bandera.

Jessy Mendiola, sinupalpal ang basher na nagkomento tungkol sa eyebags ni Rosie
Jessy Mendiola, sinupalpal ang basher na nagkomento tungkol sa eyebags ni Rosie
Source: Instagram

Ayon sa nasabing netizen, “Grabe bakit ganyan ang bata, wala pang 2 years old pero ang eyebags pang 80 years old na.”

Read also

Peraphy contestant na si Angelito, may paglilinaw tungkol sa kanyang post

Sa kabila ng kanyang pagiging isang public figure, hindi napigilan ni Jessy ang kanyang sarili na sagutin ang komento, lalo pa't ito ay tumutukoy sa kanyang anak.

Ayon kay Jessy, natural na sa kanilang pamilya ang pagkakaroon ng eyebags, lalo na't siya ay may dugong Lebanese. Hindi umano siya makapaniwala na may mga taong kayang magbitaw ng masasakit na salita laban sa isang bata, na wala pang kamalay-malay sa mundo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Jessy Mendiola, sinupalpal ang basher na nagkomento tungkol sa eyebags ni Rosie
Jessy Mendiola, sinupalpal ang basher na nagkomento tungkol sa eyebags ni Rosie
Source: Instagram

Sinabi rin ni Jessy na bago magkomento ng masama, mas makabubuting suriin muna ng mga tao ang kanilang sarili.

Aniya, “Kalmahan ang panlalait sa bata. I-ayon po natin ang ganda sa panlalait, tignan niyo po muna sarili niyo sa salamin.” Sa huli, nagpasalamat pa rin si Jessy sa netizen ngunit may halong patama, na nagpapahiwatig na dapat maging responsable ang bawat isa sa kanilang mga sinasabi, lalo na sa social media.

Read also

Miss Catering, naiyak nang maikwento ang paghahakot ng hollow blocks nilang mag-ina

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut. Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Naibahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis. Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate