Miss Catering, naiyak nang maikwento ang paghahakot ng hollow blocks nilang mag-ina

Miss Catering, naiyak nang maikwento ang paghahakot ng hollow blocks nilang mag-ina

- Hindi mapigilan ni Miss Catering na maluha nang maalala ang isa sa mga pinasok niyang trabaho

- Ang masaklap, maging ang kanyang ina ay kinailangan ding magtrabaho para sila'y may makain

- Aminado rin si Miss Catering na hanggang Grade 3 lamang ang kanyang naabot sa pag-aaral

- Dala ng kahirapan, mas pinili na lamang talaga niyang maghanapbuhay sa murang edad

Naluha ang social media star na si Miss Catering nang alalahanin niya ang naging hanapbuhay niya noon bilang isang constrution worker.

Miss Catering, naiyak nang maikwento ang paghahakot ng hollow blocks nilang mag-ina
Miss Catering, naiyak nang maikwento ang paghahakot ng hollow blocks nilang mag-ina (Ogie Diaz YouTube)
Source: Youtube

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento ni Miss Catering na minsan siyang naging tagahakot ng hollow blocks sa truck kung saan kumikita lamang siya ng Php25 hanggang Php 125.

Ang masaklap umano para sa kanya, maging ang kanyang ina ay ginagawa ito para lamang may pambili sila ng pagkaing mailalaman sa kumakalam nilang mga sikmura.

Read also

Miss Catering sa naipangakong trabaho sa kanya ni Karla Estrada: "Hinayaan ko nalang"

"Si nanay din kasi nagtrabaho din siya. Nagkakarga din siya sa truck (ng hollow blocks) Ta's makikita mo sa kanya, ang init-init nagkakarga siya. 'Yun yung pinakamasakit sa aking part. Makikita mo 'yung nanay mo, ang init-init nagtatrabaho," naluluhang nasabi ni Miss Catering habang inaalala ang hirap ng buhay nila noon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ang sakit para sa akin. kasi kailangan naming magtrabaho," dagdag pa niya.

Kaya naman matatandaang minsan na ring nag-viral si Miss Catering sa isa sa mga video na naibahagi niya kung gaano niya kamahal ang kanyang ina.

Aniya, lahat ng pagsusumikap niya ngayon ay para sa ina. kaya't hangad niya na patuloy na magpalakas ito upang maabutan pa umano ng ina ang bunga ng kanyang pagsasakripisyo lalo na ngayong unti-unti nang natutupad ang kanyang mga pangarap.

Read also

Peraphy contestant na si Angelito, naglabas ng sama ng loob sa mga aniya'y taong walang respeto

Narito ang kabuuan ng panayam kay Miss Catering mula sa Ogie Diaz Inspires YouTube:

Si Amor Carias o mas kilala bilang si Miss Catering ay isa sa mga sumisikat na content creator ngayon sa bansa. Una siyang kinagiliwan nang sabihin niya sa kausap na foreigner na "I'm catering to my mother who is sick" na ang ibig sabihin ay nagpapakain umano siya sa inang may sakit. Mula noon, parami na nang parami ang tumatangkilik sa kanya.

Tulad ni Miss Catering, isa rin Kier Garcia o mas kilala bilang si Fhukerat sa mga kinagigiliwang TikTok stars ngayon, sa panayam naman sa kanya ni toni Gonzaga, doon niya naikwento kung bakit ang madalas niyang content ay ang pagmumukbang at inaalok niya ng pagkain ang mga taong nasa paligid niya.

Doon din naikwento ni Kier ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang kuya na siyang tumulong at sumuporta sa kanyang pagiging isang content creator.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica