3 hotel kung saan nakita si Sandro Muhlach, nagpasa ng mga kopya ng CCTV sa NBI

3 hotel kung saan nakita si Sandro Muhlach, nagpasa ng mga kopya ng CCTV sa NBI

- Tatlong hotel ang nagsumite ng mga kopya ng CCTV sa NBI kaugnay ng kaso ni Sandro Muhlach

- Ang mga footage ay mula sa mga hotel na pinuntahan ni Muhlach bago at pagkatapos ng umano'y pangmomolestya

- Nakipag-ugnayan ang mga hotel sa NBI Public Corruption Division matapos silang makatanggap ng subpoena

- Inimbitahan din ng NBI ang dalawang independent contractor ng GMA Network para magbigay ng salaysay bukas ng hapon

Tatlong hotel na pinaniniwalaang pinuntahan ng aktor na si Sandro Muhlach bago at pagkatapos ng umano'y insidente ng pangmomolestya, ang nagsumite ng mga kopya ng kanilang CCTV footage sa National Bureau of Investigation (NBI). Ang mga naturang footage ay mahalagang ebidensya sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

3 hotel kung saan nakita si Sandro Muhlach, nagpasa ng mga kopya ng CCTV sa NBI
3 hotel kung saan nakita si Sandro Muhlach, nagpasa ng mga kopya ng CCTV sa NBI
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, ang mga hotel ay nakipag-ugnayan sa NBI Public Corruption Division matapos silang makatanggap ng subpoena na may kaugnayan sa reklamong isinampa ni Muhlach. Inaasahang magbibigay-linaw ang mga footage na ito sa mga kaganapan bago at pagkatapos ng insidente.

Read also

2 independent contractors ng GMA, nais ipa-dismiss ang reklamo ni Sandro Muhlach

Samantala, inimbitahan din ng NBI ang dalawang independent contractor ng GMA Network na umano'y sangkot sa reklamo. Ayon sa NBI, inaasahang magbibigay sila ng salaysay bukas ng hapon, August 9, upang magdagdag ng impormasyon sa imbestigasyon.

Patuloy ang masusing pagsisiyasat ng NBI sa insidente, habang umaasa ang publiko na makakamit ang hustisya sa pamamagitan ng mga ebidensyang nakalap.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang ama ni Sandro na si Niño Muhlach ay isang kilalang aktor sa industriya ng pelikulang Pilipino. Isa siya sa mga batang artista noong dekada '70 at '80 na sumikat sa kanyang mga mahusay na pagganap sa mga pelikula.

Ibinenta ni Niño ang isa sa kanyang mga FAMAS trophies kay Boss Toyo. Ang FAMAS, na nangangahulugang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences, ay isa sa mga pinaka-pinapangarap na parangal sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Sa isang video na ibinahagi ni Boss Toyo sa kanyang channel na “Pinoy Pawn Stars,” tinanggap ng host ng palabas ang hinihinging presyo ng mga anak ni Niño na sina Xandro at Alonzo na P500K.

Read also

Carlos Yulo, may ilang plano na umano sa mga matatanggap na incentives

Samantala, naibahagi ni Niño sa isang video ang pagdala sa kanya sa ospital. Habang nasa taping raw ng Batang Quiapo ay hindi na siya makaarte at hindi niya na mabigkas ang linya niya dahil sa nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang ilong. Isinugod siya sa ospital ngunit umayaw siyang sumakay sa ambulansiya. Dagdag pa ni Niño, nabahala siya dahil delikadong parte ng mukha ang sumakit lalo at malapit ito sa utak kaya minabuti niyang ipasuri ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate