Niña Jose, may matapang na mensahe sa aniya'y 'itchy girls at higad'

Niña Jose, may matapang na mensahe sa aniya'y 'itchy girls at higad'

- Nag-post si Niña Jose ng makahulugang mensahe sa social media upang ipahayag ang kanyang determinasyon na protektahan ang relasyon nila ng asawa

- Sinabi niyang panahon na naman ng mga "itchy girls" at "higad" kaya't bilang asawa, hindi niya pahihintulutan ang sinuman na guluhin ang kanilang pamilya

- Ang post ni Niña ay mabilis na kumalat at umani ng suporta mula sa kanyang mga tagahanga at followers

- Kasal si Niña kay dating Mayor Cezar Quiambao ng Bayambang, Pangasinan

Nagbahagi si Niña Jose ng isang makatawag-pansing post sa kanyang social media account. Ang kanyang mensahe ay palaban at naglalaman ng babala para sa mga tao na may balak na guluhin ang kanyang pamilya.

Niña Jose, may makahulugang post: "I say this because may asim pa asawa ko"
Niña Jose, may makahulugang post: "I say this because may asim pa asawa ko"
Source: Facebook

Sa kanyang post, sinabi ni Niña na panahon na naman ng mga "itchy girls" at "higad." Bilang isang asawa, ipinahayag niya ang kanyang dedikasyon sa pagprotekta sa kanyang pamilya at ang kanyang determinasyon na hindi pahihintulutan ang sinuman na guluhin ang kanilang relasyon. Binanggit din niya na handa siyang hanapin ang mga taong may masamang intensyon.

Read also

Juillianna Villafuerte, nagsalita kaugnay sa 'flat-line issue"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Niña Jose, may matapang na mensahe sa aniya'y 'itchy girls at higad'
Niña Jose, may matapang na mensahe sa aniya'y 'itchy girls at higad'
Source: Facebook

Ang nasabing post ay mabilis na kumalat at umani ng iba't ibang reaksyon mula sa kanyang mga tagahanga at followers. Marami ang nagpahayag ng kanilang suporta para kay Niña at sa kanyang determinasyon na ipaglaban ang kanilang relasyon.

Ang post ni Niña ay naghatid ng iba't ibang reaksiyon mula sa mga netizens. Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa dating aktres. Ayon sa ilang netizens, tama lamang ang ginagawa ni Niña na protektahan ang kanyang pamilya laban sa mga taong maaaring magdulot ng gulo sa kanilang relasyon.

Si Niña Jose ay nagsimula bilang isang housemate sa reality TV show na Pinoy Big Brother. Matapos ang kanyang stint sa PBB, nagpatuloy siya sa showbiz kung saan nakilala siya bilang isang aktres at modelo. Noong 2017, pinakasalan siya ni Mayor Cezar Quiambao, isang kilalang negosyante at pulitiko sa Pangasinan.

Read also

Carlos Yulo, sunod na paghahandaan ang LA 2028 Olympics

Para sa tanong ng kanyang mister kung magpapakasal pa siyang muli sakaling mauna siyang pumanaw, diretsahan ang naging sagot ni Niña Jose. Aniya, hindi na siya magpapakasal muli sakaling mangyari ang ganoong bagay. Nagkasubukan ang mag-asawa sa husay sa pagsagot sa mga katanungan nila sa isa't-isa sa kanilang Lie Detector Challenge. Ito ay kanilang ibinahagi sa pagdiriwang ng kanilang wedding anniverary upang maipakita sa publiko at mas makilala pa silang mag-asawa.

Hindi ipinagkaila ni Mayor Cezar Quiambao na si Niña ang kanyang greatest love. Inamin niya ito matapos itanong sa kanya ng misis ang tungkol dito sa kanilang ginawang Lie Detector Challenge. Aminado din itong na love at first sight siya sa misis na una munang naging kaibigan bago niya naging karelasyon. Naiintriga at nahuhusgahan man dahil sa kanilang 33 taong agwat ng kanilang edad, laging ibinabahagi ni Niña kung gaano niya kamahal ang kanyang mister.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: