Vhong Navarro, pinuri ng model actor na nakasama noon sa piitan

Vhong Navarro, pinuri ng model actor na nakasama noon sa piitan

- Napuri si Vhong Navarro ng model actor na si Aeron Cruz

- Siya umano ang nakasama noon ni Vhong nang pansamantalang mapiit taong 2022

- Madali niyang nakapalagayan ng loob si Vhong lalo nang maipaalala pa niyang naging contestant siya sa ilang segment ng It's Showtime

- Sa ngayo'y nakalaya na rin si Aeron na mayroong ilang paglilinaw sa totoong dahilan ng pagkakakulong sa kanya

Idinetalye ng model-actor na si Aeron Cruz kung ano ang mga nagawa ni Vhong Navarro na nakasama niya sa piitan noon.

Vhong Navarro, pinuri ng model actor na nakasama noon sa piitan
Vhong Navarro, pinuri ng model actor na nakasama noon sa piitan (Vhong Navarro)
Source: Facebook

Ayon kay Aeron, ilang taon na siyang nakapiit dahil sa umano'y pagkaka-frame up sa kanya na may kaugnayan sa ipinagbabawal na droga.

Makalipas ang ilang taon, hindi niya inaasahang makakasama si Vhong Navarro na noo'y nadakip kaugnay pa rin Deniece Cornejo case.

"Kuya Vhong! Naalala mo ba ako? Ako yung sa Showtime. Gandang lalake. Bidaman. Sumali ako doon. Grand finalist pa nga ako doon," pagbabalik-tanaw ni Aeron na pilit ipinaalala kay Vhong ang pagsali niya noon sa ilang serment sa nasabing noontime show.

Read also

Vin Abrenica, ninakawan ng halik ng lalaking fan habang kumakanta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi raw siya agad nakilala ni Vhong. Kaya naman nang dumalaw ang kanyang ina, ipinakita niya agad kay Vhong ang mga larawan ng pagsali niya noon sa It's Showtime. At doon na nagsimula ang pagkakaibigan nila ni Vhong.

Naidetalye rin ni Aeron ang pagmamalasakit ni Vhong sa kapwa nila preso na lagi umanong tumutulong sa kung anuman ang kanilang mga pangangailangan doon.

"Meron po siyang natulungan na walang-wala. Hindi dinadalaw. Napakabuti niya pong tao."
"Kagaya po ng matulungan niya na mabigyan niya ng pagkain. Kasi walang dalaw, hindi dinadalaw yung preso"
"Kung ano pong meron siya o kinakain niya na pagkaing laya, sini-share niya rin po sa kagaya namin. Sa iba po."

Hindi lamang daw pagpapakain ang nagawa ni Vhong sa mga inmates kundi pati na rin ang pagbibigay noon ng ayuda. Maging tulong pinansyal ay napaaabot ni vhong lalo na umano iyong may mga sakit, lalo na iyong mga walang dalaw.

Read also

Ivana Alawi, nagsalita tungkol sa espikulasyon sa pag-exit niya sa Batang Quiapo

"Hindi ko po makakalimutan yung niyakap po niya ako bago siya lumaya. Mangiyak-ngiyak siya eparang tears of joy. Answered prayer na nakalaya siya. Niyakap niya ako ng mahigpit parang ito na dream come true. Sinabi niya sa akin na Aeron, kumapit ka lang. Huwag mawawala 'yung hope saka 'yung faith. Maniwala ka, ikaw na ang next na lalaya"

Narito ang kabuuan ng panayam kay Aeron na mapapanood sa Ogie Diaz YouTube:

Si Vhong Navarro ay isang dancer, komedyante at TV host sa Pilipinas. Una siyang nakilala bilang isa sa mahuhusay na miyembro ng Streetboys bago siya naging isang komedyante. Ngayon, isa si vhong sa host ng noontime show na It's Showtime.

Gumulantang sa publiko noong Disyembre 6 ng 2022 ang paglaya ni Vhong Navarro matapos na siya ay payagang makapagpiyansa ng halagang isang milyong piso. Ayon sa paliwanag ni Cristy Fermin, ang paglayang ito ni Vhong ay nangangahulugang maari na itong makabalik sa trabaho. Hindi na rin daw ito kailangang dakpin pa muli basta't sisiguraduhin nitong dadalo ng maayos sa bawat hearing ng kanyang kaso.

Read also

Vhong Navarro, kinaaliwan sa kanyang 'Pantropiko' dance

Matatandaang isa umanong madamdaming post ang naibahagi ni Vhong noong araw ng Kapaskuhan taong 2022 kung saan nakasama pa na niya ang kanyang buong pamilya sa kabila ng matinding pagsubok na kanyang kinaharap sa nasabing taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica