Gerald Santos, umaasang makamit ni Sandro Muhlach ang hustisyang hindi nya natamo noon

Gerald Santos, umaasang makamit ni Sandro Muhlach ang hustisyang hindi nya natamo noon

- Nagpakita ng suporta si Gerald Santos kay Sandro Muhlach sa gitna ng kontrobersiyal na isyu

- Inihayag ni Gerald na minsan na niyang naranasan ang katulad na sitwasyon ni Sandro

- Binanggit ni Gerald ang kahalagahan ng #MeToo movement sa pagbibigay boses sa mga biktima

- Umaasa si Gerald na makakamit ni Sandro ang hustisya na hindi niya natamo noon

Inihayag ng mang-aawit na si Gerald Santos ang kanyang pakikiramay at suporta kay Sandro Muhlach at sa buong pamilya Muhlach sa gitna ng isang kontrobersiyal na isyu na kasalukuyang pinag-uusapan sa social media.

Gerald Santos, umaasang makamit ni Sandro Muhlach ang hustisyang hindi nya natamo noon
Gerald Santos, umaasang makamit ni Sandro Muhlach ang hustisyang hindi nya natamo noon
Source: Facebook

"Ang dami nagmemessage, nagta-tag sa akin about this issue. Nagbalik ang sakit sa akin at hindi ko maiwasan maluha to imagine ang sinapit nya," pahayag ni Gerald sa kanyang post. "My heart goes to Sandro and the whole Muhlach Family."

Ikinuwento rin ni Gerald na minsan na niyang dinanas ang katulad na sitwasyon na pinagdaraanan ngayon ni Sandro Muhlach. Ayon sa kanya, noong panahong iyon ay wala siyang boses at walang social media upang maipahayag ang kanyang saloobin.

Read also

Rosmar, sinabing umaabot na ng milyon ang kanyang gastusin araw-araw

"But I will hold my head up high for standing up amidst tremendous pressure to just let go of what happened. I hope he gets the justice I was once denied of," dagdag pa ni Gerald, na nagsabing malaki ang kanyang pag-asa na makamit ni Sandro ang hustisya na hindi niya naranasan noon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Inilahad din ni Gerald ang kahalagahan ng mga kilusang gaya ng #MeToo movement na nagbibigay lakas at boses sa mga biktima ng pang-aabuso. Sa pamamagitan ng kanyang pahayag, umaasa si Gerald na mas marami pa ang maging malakas ang loob na magsalita at ipaglaban ang kanilang karapatan.

Patuloy ang pag-agos ng suporta mula sa mga netizens para kay Sandro Muhlach at kay Gerald Santos, na kapwa humaharap sa mga pagsubok na may layuning makamit ang katarungan.

Read also

Ivana Alawi, nagsalita tungkol sa espikulasyon sa pag-exit niya sa Batang Quiapo

Si Gerald Santos ay isang kilalang mang-aawit, aktor, at performer sa Pilipinas. Nagsimula ang kanyang kasikatan nang manalo siya sa ikalawang season ng reality talent show na "Pinoy Pop Superstar" noong 2006. Dahil sa kanyang tagumpay sa kompetisyon, nakilala siya bilang "The Prince of Ballad" sa industriya ng musika.

Matatandaang nakatanggap ng formal complaint ang GMA Network mula kay Sparkle artist Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng network. Ayon sa GMA, nagsagawa na sila ng kanilang sariling imbestigasyon bago pa man magreklamo si Muhlach.

Pinangalanan ng GMA Network sina Jojo Nones at Richard Cruz bilang mga sangkot sa inerereklamo ni Sandro. Natanggap na ng GMA Network ang pormal na reklamo ni Sandro laban kina Nones at Cruz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate