Dalawang independent contractors ng GMA na nireklamo ni Sandro Muhlach, pinangalanan
- Pinangalanan ng GMA Network sina Jojo Nones at Richard Cruz bilang mga sangkot sa reklamo ni Sandro Muhlach
- Natanggap na ng GMA Network ang pormal na reklamo ni Sandro laban kina Nones at Cruz
- Sinimulan na ng GMA Network ang imbestigasyon kahit bago pa matanggap ang pormal na reklamo
- Tiniyak ng GMA Network na magiging patas at makatarungan ang proseso ng imbestigasyon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Direktang tinukoy ng GMA Network ang 2 "independent contractors" na sinasabing sangkot sa pang-aabuso kay Sandro Muhlach, isang Sparkle talent at anak ni Niño Muhlach. Sa isang opisyal na pahayag na inilabas kinumpirma ng GMA Network na natanggap na nila ang pormal na reklamo ni Sandro laban kina Jojo Nones at Richard Cruz.
Si Nones ay isang creative consultant at headwriter para sa ilang programa ng GMA-7, tulad ng "Mga Lihim ni Urduja," "Dear Uge," "Agimat ng Agila," at "The First Nanny." Samantalang si Cruz naman ay headwriter ng mga Kapuso shows na "The Half Sisters," "Love & Lies," at "The World Between Us." Dagdag pa rito, si Cruz ay writer at creator din ng mga programang "The Cure," "Because of You," at iba pa.
Ayon sa pahayag ng GMA Network, kahit hindi pa sila nakatatanggap ng pormal na reklamo, nagsimula na sila ng imbestigasyon dahil sa seryosong mga alegasyon. Bilang respeto sa kagustuhan ni Sandro para sa pagiging kumpidensyal, sinabi ng network na hindi nila ilalabas ang mga detalye ng imbestigasyon hanggang matapos ito.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Tiniyak din ng GMA Network sa publiko at mga stakeholders na magiging patas at makatarungan ang kanilang imbestigasyon.
Ang ama ni Sandro na si Niño Muhlach ay isang kilalang aktor sa industriya ng pelikulang Pilipino. Isa siya sa mga batang artista noong dekada '70 at '80 na sumikat sa kanyang mga mahusay na pagganap sa mga pelikula.
Ibinenta ni Niño ang isa sa kanyang mga FAMAS trophies kay Boss Toyo. Ang FAMAS, na nangangahulugang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences, ay isa sa mga pinaka-pinapangarap na parangal sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Sa isang video na ibinahagi ni Boss Toyo sa kanyang channel na “Pinoy Pawn Stars,” tinanggap ng host ng palabas ang hinihinging presyo ng mga anak ni Niño na sina Xandro at Alonzo na P500K.
Samantala, naibahagi ni Niño sa isang video ang pagdala sa kanya sa ospital. Habang nasa taping raw ng Batang Quiapo ay hindi na siya makaarte at hindi niya na mabigkas ang linya niya dahil sa nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang ilong. Isinugod siya sa ospital ngunit umayaw siyang sumakay sa ambulansiya. Dagdag pa ni Niño, nabahala siya dahil delikadong parte ng mukha ang sumakit lalo at malapit ito sa utak kaya minabuti niyang ipasuri ito .
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh