Picture ng naulilang mag-aama sa harap ng kabaong ni Alexa Gutierrez, umantig sa puso ng marami

Picture ng naulilang mag-aama sa harap ng kabaong ni Alexa Gutierrez, umantig sa puso ng marami

- Marami ang naantig sa litrato ng mag-aamang Elvis Gutierrez at mga anak nila ni Alexa na sina Ezra at Aria

- Makikita sa isang Instagram story na ni-repost ni Elvis ang mag-aama sa harap ng kabaong ni Alexa

- Sa naturang litrato ay hindi kita ang mukha nila ngunit marami sa mga netizens ang ramdam ang kalungkutan at pangungulila nila

- Matatandaang nitong Saturday, July 27 2024 ay pumanaw si Alexa dahil sa sakit nitong leukemia

Marami ang naantig sa isang litrato na nagpapakita ng mag-aamang Elvis Gutierrez at mga anak nila ni Alexa na sina Ezra at Aria sa harap ng kabaong ni Alexa Gutierrez. Ang emosyonal na eksena ay makikita sa isang Instagram story na ni-repost ni Elvis, na nagdala ng matinding damdamin sa mga nakakita.

Picture ng naulilang mag-aama sa harap ng kabaong ni Alexa Gutierrez, umantig sa puso ng marami
Picture ng naulilang mag-aama sa harap ng kabaong ni Alexa Gutierrez, umantig sa puso ng marami
Source: Instagram

Sa naturang litrato, hindi kita ang kanilang mga mukha, ngunit kitang-kita ang bigat ng kalungkutan at pangungulila na nararamdaman ng mag-aama.

Read also

TVJ, pinaliwanag bakit wala sa big venue ang 45th anniversary ng Eat Bulaga

Ang kanyang mga anak, sina Ezra at Aria, ay napakabata pa upang maintindihan ang lahat ng nangyayari ngunit malinaw na ramdam nila ang pagkawala ng kanilang ina.

Picture ng naulilang mag-aama sa harap ng kabaong ni Alexa Gutierrez, umantig sa puso ng marami
Picture ng naulilang mag-aama sa harap ng kabaong ni Alexa Gutierrez, umantig sa puso ng marami
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang nitong Sabado, Hulyo 27, 2024, ay pumanaw si Alexa dahil sa sakit na leukemia. Ang kanyang pakikipaglaban sa sakit ay tumagal din ng ilang buwan matapos madiagnose Enero ng kasalukuyang taon.

Maraming netizens ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay at suporta sa mag-aama, na pinuri ang kanilang katatagan sa kabila ng malaking dagok na ito sa kanilang buhay.

Sa kabila ng kanilang matinding kalungkutan, umaasa ang marami na makakahanap ng lakas at pag-asa sina Elvis, Ezra, at Aria upang harapin ang hinaharap.

Si Alexa Gutierrez, sister-in-law ni Ruffa Gutierrez at asawa ni Elvis Gutierrez, ay na-diagnose na may Acute Lymphoblastic Leukemia, kung saan ang kanyang katawan ay gumagawa ng mas maraming white blood cells kaysa sa red blood cells.

Read also

Celia Rodriguez, pinanindigan ang sinabing si Angel Locsin ang pinakamagaling na Darna para sa kanya

Matatandaang nagbahagi si Alexa ng madamdaming mensahe para sa asawang si Elvis sa kanilang anibersaryo habang siya ay patuloy na lumalaban sa Leukemia. Pinasalamatan niya ang asawa sa walang sawang pagmamahal at suporta lalo na sa mga panahong siya ay mahina.

Sa mga huling post ni Alexa bago siya pumanaw, nagbahagi siya tungkol sa pagpasok niya sa mga anak sa isang personality development training center. Ilan daw sa mga dailan kung bakit nila pinasok ang mga anak na sina Aria at Ezra sa naturang center ay para malinang ang kanilang Social skills, self presentation, confident communication, social graces at personal growth.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate