Aubrey Miles, binunyag na nakakuha ng pera ang scammer gamit ang pangalan niya: "Grabe nakakahiya"

Aubrey Miles, binunyag na nakakuha ng pera ang scammer gamit ang pangalan niya: "Grabe nakakahiya"

- - Ibinunyag ni Aubrey Miles at Troy Montero na may scammer na gumamit ng pangalan at larawan ni Aubrey upang makapangloko

Sinabi ni Aubrey na nakakuha ng pera ang scammer mula sa ilang kaibigan niya at nakakahiya ang pangyayaring ito

- Ipinaliwanag ni Troy na gumagamit ang scammer ng larawan ni Aubrey at nagpapadala ng mensahe sa kanilang mga kakilala sa social media upang humingi ng donasyon

- Nagpaalala ang mag-asawa na mag-ingat at huwag basta-basta magtiwala sa mga ganitong klaseng mensahe sa social media

Nagsalita ang mag-asawang Troy Montero at Aubrey Miles tungkol sa isang scammer na gumamit ng pangalan at larawan ng aktres upang makapangloko. Ikinuwento ni Aubrey na ang scammer ay nakakuha ng pera mula sa ilang kaibigan niya, at sinabi niyang nakakahiya ang pangyayaring ito.

Aubrey Miles, binunyag na nakakuha ng pera ang scammer gamit ang pangalan niya: "Grabe nakakahiya"
Aubrey Miles, binunyag na nakakuha ng pera ang scammer gamit ang pangalan niya: "Grabe nakakahiya"
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

RR Enriquez sa pag-flex ng yaman sa socmed: "Nakakairita is yung alam mo na nagyayabang lang"

Ayon kay Troy, may isang tao na gumagamit ng larawan ng kanyang asawa at nagpapadala ng mga mensahe sa kanilang mga kakilala sa social media, nanghihingi ng donasyon. Ipinaliwanag niya na ang mensahe ng scammer ay nagsasabing nagko-collect ito ng pondo para sa mga biktima ng Bagyong Carina at humihingi ng tulong.

Sa mensahe ng scammer, hinihikayat nito ang mga tao na magbigay ng kahit kaunting tulong para sa mga biktima ng bagyo. Dahil sa insidenteng ito, nagpaalala ang mag-asawa sa kanilang mga kaibigan at tagasubaybay na mag-ingat at huwag basta-basta magtiwala sa mga ganitong klaseng mensahe sa social media.

Nagmula ang stage surname ni Aubrey sa "Miles Away" na awitin. Nakilala siya sa kanyang mapangahas na mga pagganap sa mga pelikula.

Siya ay kilala bilang isa sa mga celebrities na mahilig sa pag-aalaga ng halaman o maituturing na "plantita." Sa katunayan, ginawa niya rin itong negosyo at nakapagpundar siya ng lote mula sa kanyang pagbebenta ng halaman.

Read also

Claudia Barretto, nagbahagi ng makahulugang mensahe sa kanyang kaarawan

Sa pagkukwento ni Aubrey sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, hindi napigilan ni Aubrey ang maging emosyonal. Aminado si Aubrey na sinisi niya ang kanyang sarili nang una nilang malaman ang tungkol sa autism ng anak na si Rocket. Nasabi umano sa kanila ng doktor na walang tukoy na dahilan kung bakit nagkakaroon ng autism ang bata. Gayunpaman, naaayos naman umano at natutulungan ang mga taong may autism sa pamamagitan ng therapy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: