RR Enriquez sa pag-flex ng yaman sa socmed: "Nakakairita is yung alam mo na nagyayabang lang"

RR Enriquez sa pag-flex ng yaman sa socmed: "Nakakairita is yung alam mo na nagyayabang lang"

- Ibinahagi ni RR Enriquez sa social media ang kanyang opinyon tungkol sa pag-flex ng kayamanan, na hati ang pananaw ng mga tao tungkol dito

- Para kay Enriquez, nakaka-inspire ang makakita ng mga post ng mga bagay na nabili ng mga celebrity o ordinaryong tao

- Sinabi ni Enriquez na nakakairita ang mga taong nagyayabang lang, tulad ng pag-post ng halaga ng kanilang binibili

- Binanggit din niya na dapat handa ang mga taong magyabang na tawaging mayabang at hindi mayaman

Sa kanyang mga post sa social media, ibinahagi ni RR Enriquez ang kanyang saloobin tungkol sa pag-flex ng kayamanan sa mga online platforms. Ayon sa kanya, hati ang opinyon ng mga tao pagdating sa ganitong bagay.

RR Enriquez sa pag-flex ng yaman sa socmed: "Nakakairita is yung alam mo na nagyayabang lang"
RR Enriquez sa pag-flex ng yaman sa socmed: "Nakakairita is yung alam mo na nagyayabang lang"
Source: Instagram

Para sa kanya, nakaka-inspire ang makakita ng mga post ng mga celebrity o ordinaryong tao na ipinapakita ang mga bagay na nabili nila, tulad ng mga bag, sapatos, relo, kotse, at bahay. Lalo siyang naiinspire sa mga taong galing sa hirap na yumaman, maging ang mga taong mayaman na lalong yumaman.

Read also

Celia Rodriguez, pinanindigan ang sinabing si Angel Locsin ang pinakamagaling na Darna para sa kanya

Inihayag ni Enriquez na sa halip na mainggit, dapat gawin itong inspirasyon para magsikap sa buhay. Subalit, sinabi rin niya na nakakairita ang mga taong alam mong nagyayabang lang.

Ibinigay niya bilang halimbawa ang mga taong mahilig mag-post ng halaga ng kanilang mga binibili, tulad ng amount ng grab food o grocery shopping, na para bang unang beses pa lamang nilang makapag-order o makapag-grocery.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa niya, may mga tao rin na pinopost ang kanilang bill sa mga restaurant at ipinagmamalaki pa ang halaga ng kanilang binayaran. Para kay Enriquez, bagama't walang masama sa pag-flex, nararamdaman din ng mga tao kung nagyayabang na lamang ang isang tao.

Sa huli, binigyang-diin ni Enriquez na kung talagang nais magyabang ng isang tao, dapat handa rin silang tawaging mayabang at hindi mayaman.

Read also

Alexa Gutierrez, nagawa ang aniya'y 'best decision' para sa kanyang mga anak

Si RR Enriquez ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014.Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Bilang isang dating Kapamilya artist, nagbahagi siya ng kanyang pakikisimpatya sa pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN. Kasalukuyan niyang karelasyon ang sikat na basketbolistang si Jayjay Helterbrand ng koponang Barangay Ginebra. Bukod sa mga negosyo ay nakapundar na rin sila ng kanilang bahay.

Kabilang si RR Enriquez sa mga personalidad na naghayag ng kanilang saloobin kaugnay sa nag-viral na resort na tinayo sa Chocolate Hills sa Bohol. Para sa kanya, wala naman daw masama sa ginawa nila lalo kung makakatulong daw ito sa turismo ng bansa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate