Aubrey Miles, binalaan ang scammer na gumamit ng pangalan niya

Aubrey Miles, binalaan ang scammer na gumamit ng pangalan niya

- Nagbigay ng babala si Aubrey Miles laban sa isang scammer na gumagamit ng kanyang pangalan upang makapanloko

- Ipinahayag niya na ang mga numerong +63 956 480 8845 at 09304500726 ay hindi kanya at hinihikayat ang publiko na huwag magpaloko

- Sinabi niya na madali nilang matutukoy ang scammer kaya't mas mabuti na maghanap na lamang ito ng trabaho

- Pinaalalahanan ni Miles ang lahat na maging mapanuri sa mga lumalapit at humihingi ng tulong gamit ang kanyang pangalan

Nagbigay ng babala si Aubrey Miles laban sa isang scammer na gumagamit ng kanyang pangalan upang makapanloko ng mga tao. Sa isang post sa Instagram, ipinaalam ni Aubrey na hindi siya ang nasa likod ng mga mensahe at tawag na humihingi ng tulong.

Aubrey Miles, binalaan ang scammer na gumamit ng pangalan niya
Aubrey Miles, binalaan ang scammer na gumamit ng pangalan niya
Source: Instagram

Ayon kay Miles, may poser o scammer na nagpapanggap na siya at gumagamit ng mga numerong +63 956 480 8845 at 09304500726. Ipinahayag niya ang kanyang galit at pinaalalahanan ang scammer na tumigil na sa panloloko. Dagdag pa niya, madali lamang nilang matutukoy kung sino ang nasa likod nito kaya't mas mabuti na maghanap na lamang ng trabaho ang scammer at huwag maging tamad.

Read also

Lalaking biglang tumalon sa binahang Recto underpass sa Maynila, hindi pala marunong lumangoy

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hinikayat ni Miles ang publiko na maging mapanuri at huwag basta-basta magtitiwala sa mga lumalapit at humihingi ng tulong gamit ang kanyang pangalan. Aniya, ang mga numerong binanggit ay hindi kanya at hinihikayat niya ang lahat na huwag magpaloko.

Ang insidenteng ito ay isang paalala sa lahat na maging maingat at mapanuri sa mga taong nakakasalamuha online, lalo na't dumarami ang mga kaso ng panloloko sa social media.

Nagmula ang stage surname ni Aubrey sa "Miles Away" na awitin. Nakilala siya sa kanyang mapangahas na mga pagganap sa mga pelikula.

Siya ay kilala bilang isa sa mga celebrities na mahilig sa pag-aalaga ng halaman o maituturing na "plantita." Sa katunayan, ginawa niya rin itong negosyo at nakapagpundar siya ng lote mula sa kanyang pagbebenta ng halaman.

Sa pagkukwento ni Aubrey sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, hindi napigilan ni Aubrey ang maging emosyonal. Aminado si Aubrey na sinisi niya ang kanyang sarili nang una nilang malaman ang tungkol sa autism ng anak na si Rocket. Nasabi umano sa kanila ng doktor na walang tukoy na dahilan kung bakit nagkakaroon ng autism ang bata. Gayunpaman, naaayos naman umano at natutulungan ang mga taong may autism sa pamamagitan ng therapy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: